Direk Joel Lamangan, natulala sa kissing scene nina Shido Roxas at Ross Pesigan sa Rainbow's Sunset

by PEP Troika
Oct 4, 2018

JERRY OLEA: Natulala si Direk Joel Lamangan sa kissing scene nina Shido Roxas at Ross Pesigan (gumanap bilang young version nina Eddie Garcia at Tony Mabesa) sa pelikulang Rainbow’s Sunset.

Kuwento ni Direk Joel noong Wednesday night nang makahuntahan namin sa Prime Hotel, QC, “Sinabi ko sa kanila, ‘Oy, maglaplapan kayo talaga dito! Hindi puwedeng hindi laplapan ‘yan, ha?! Tinanggap niyo ‘yan, alam niyo ‘yan!’

Continue reading below ↓

“Pagsabi ko, ‘ACTION!’ Ay! Naglaplapan talaga sila!

“Alam mo, hindi ko na-cut... Alam mo, hindi ko na-cut... napanood, napanood ako.

"Ang halikan nila... ay! Naghahalikan talaga!

“Ang tagal talaga ng halikan! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Sabi ng AD (assistant director), ‘Direk, cut.’ Ay! CUT!

“Hindi ko na-cut... nadala ako ng ano nila. Totoo kasi. Hinahawak-hawakan pa ang noo!

“Wala naman akong sinabing hawak-hawakan pa ang mukha nila!” natatawang pahayag ni Direk Joel.

“Ay! Ang tagal-tagal! Hindi naman sila tumitigil.”

PG (Parental Guidance) ang target rating ng movie, kaya iniklian ni Direk Joel ang nasabing laplapan.

Pinuri rin ni Direk Joel si Max Collins, na gumanap bilang batang Gloria Romero sa Rainbow’s Sunset.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Ngayon ang maganda tanungin kay Ross, sino ang mas masarap na kalaplapan—si Shido, ang girlfriend niyang si Angeli Bayani o ang ex niyang si Elora Espano.

Mahusay naman talagang artista si Max Collins, it’s good to see her again on the big screen after Citizen Jake.

Exciting ang magiging labanan sa last 4 slots sa MMFF 2018. Mapasama kaya ang Rainbow’s Sunset?

Abangan sa October 9.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results