Sino ang papalit kay Erik Matti bilang direktor ng Darna ni Liza Soberano?

by PEP Troika
Oct 4, 2018

NOEL FERRER: The epic Darna saga continues.

Nakakalungkot man na ang sobrang passionate na si Direk Erik Matti ay dumistansiya na sa Darna pagkatapos niyang sabihin dating pangangatawanan niya ang proyekto, let’s expect a newer and fresher and cleaner slate with a new director taking over.

Continue reading below ↓
Erik Matti and Liza Soberano
 IMAGE Noel Orsal

Nakatakdang i-announce ng Star Cinema ang papalit kay Direk Erik Matti anytime soon.

At malamang magkakaroon din ng seal of approval ang publiko kapag nalaman nila kung sino itong premyadong bagong direktor na ito!

After the announcement of the new director, all systems go pa rin.

Lipad, Darna, Lipad na talaga!

JERRY OLEA: Si Angel Locsin ang orig na bida ng millennial movie version ng Darna.

OK ang pumalit sa kanya na si Liza Soberano.

Ngayong waley na si Erik Matti bilang direktor ng bagong Darna film, baka blessing-in-disguise ito sa lahat ng concerned parties.

Kung hindi ukol, hindi bubukol, 'ika nga.

GORGY RULA: Bakit kung saan saan na umabot ang proyektong ito?

Bago pa nagsimula ang Darna, may iba pang proyektong dumating kay Direk Erik.

Alam ko, pagkatapos ng BuyBust ay meron pa siyang gagawin sa Regal na pagbibidahan dapat ni Jennylyn Mercado.

Nakabinbin pa yung On The Job na part two na digital series dapat.

Continue reading below ↓

Kaya ang dami pang pagkakaabalahan ni Direk Erik.

Nakakatakot na baka mabantilawan ang proyektong ito, huh?!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results