Ambra Gutierrez, hiniwalayan ng BF pagkatapos niyang akusahan si Harvey Weinstein

JERRY OLEA: Nawalan ng international modelling career ang Fil-Italian model na si Ambra B. Gutierrez matapos niyang ireklamo ang Hollywood mogul na si Harvey Weinstein noong 2015.

IMAGE Jerry Olea

Kung anu-anong paninira ang ipinukol sa kanya. Pinaratangan siyang prosti.

Naapektuhan ang love life niya.

“I remember, when I was dating someone in New York, in 2015, after that happened, I was really in love...” lahad ng 26-year-old model nang makapanayam namin nitong Oktubre 3, Miyerkukes ng tanghali, sa Alta by Relik restaurant, Santolan Town Plaza, San Juan City.

“And after four months that we were dating, ahhm, I was asking him, so, where our relationship is going to.

“And he answered, saying like, ahhh... ‘Well, your reputation is like this, I cannot be seen with you.’

“That really made me sad because I understood that even if I wanted to pursue a normal life, nobody wanted to have me involved.

“Because he was very ashamed to go around with someone that they were calling a liar, a prostitute, a blackmailer.

“So... I understood everyone that treat me wrongly, I mean, but right now, I don’t forget that.”

Lumaki sa Turin, Italy si Ambra.

Taga-Calamba City (Laguna) ang kanyang ina, at 10 years old siya nang makarating doon.

Italian ang mother tongue ng 5’10” na si Ambra.

Natutong mag-English si Ambra noong 2011 nang tumira siya London, United Kingdom.

Dahil sa kanyang ina, natuto si Ambra na magluto ng pansit, turon, at menudo.

“I like turon! Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang bulalas ni Ambra, na single ngayon at walang panahon sa pag-ibig sa sobrang dami ng ginagawa niya.

NOEL FERRER: Gusto kong makita kung paano ma-inspire at mahikayat ni Ambra ang mga Pinoy para maglakas ng loob maitaguyod ang #MeToo Movement.

Tingnan lang natin kung uubra ito sa ating bansa!

GORGY RULA: Ang isa pang maganda kay Ambra, kaya naharap niya ang kasong ito at lalo siyang naging matatag ay dahil sa pananalig sa Diyos.

“You know, I strongly believe in God and thanks to Him that I’m still here, and probably guide me He into the right direction,” pahayag ni Ambra.

Kaya hindi pa alam ni Ambra kung ano ang plano niya sa kanyang modelling career dahil sa kaso niya laban kay Harvey Weinstein. Kailangan daw niyang tapusin ito.

Kapag matapos daw ito, gusto niyang bumalik at ipagpatuloy ang kanyang modelling career.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN