Shaira Diaz, bakit nagpalit na naman ng screen name?

JERRY OLEA: Inurirat namin si Shaira Diaz (dating Shaira Mae at Shaira de la Cruz) kaugnay sa pagpapalit niya ng screen name.

IMAGE Noel Orsal

“Nagpalit ako, kasi, gusto ng manager ko po na si Sir Arnold Vegafria,” sambit ng dalaga sa mediacon ng Kapuso teleseryeng Pamilya Roces nitong October 3, Wednesday night, sa Prime Hotel, QC.

“Kasi, medyo common daw po yung de la Cruz.

"So, tanong sila sa akin kung ano pa ba yung apelyido ko, kung anong meron.

"So, ayun, Diaz. Nakuha ko siya sa lolo ko sa mother side."

Kumusta na yung movie nila ni David Licauco titled Because I Love You, na idinirek ni Joel Lamangan (direktor din ng Pamilya Roces)?

“Ayun na nga! Yung movie po namin ni David, magso-showing daw... sa November na po iyan!” nakangiting bulalas ni Shaira.

“Actually, naurong nang naurong. Kasi, may kailangan kaming mga i-reshoot, may kailangan kaming idagdag.

“Pero as of now, sabi po, November daw magso-showing.”

2012 nag-umpisa sa showbiz si Shaira. Limang taon siya sa TV5, at ang huling proyekto niya roon ay ang Pinoy version ng Baker King.

Nag-TROPS siya sa APT, at nakasali sa teleseryeng Contessa ni Glaiza de Castro.

GORGY RULA: Hay naku! Si Direk Joel Lamangan ang direktor ng pelikula nina Shaira at David sa ALV.

May kuwento si Direk Joel na nakakaaliw tungkol kay David, pero hindi dapat isulat.

Nang tinanong namin si Direk tungkol kay Shaira, “okay naman siya,” ang mabilis niyang sagot.

NOEL FERRER: Shaira who? Ah... Good luck!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN