Miss Intercontinental, naungusan na ang Miss International?

JERRY OLEA: Naunsyami ang pagtatanghal sana muli ng Miss Universe beauty pageant sa Pilipinas.

Sa halip, ang 67th edition ng Miss U ay gaganapin sa Bangkok, Thailand sa Disyembre 17.

May kapalit ito—ang 47th Miss Intercontinental na gaganapin sa bansa sa Enero 8-26, 2019.

Inilunsad ito nitong Oktubre 4, Huwebes ng hapon sa Conrad Hotel na kalapit ng SM Mall of Asia.

IMAGE Jerry Olea

So far ay 85 bansa ang kalahok dito.

Ayon kay Detlef Tursies (CEO ng Miss Intercontinental Organization), kung “prestige” ang pag-uusapan ay kinabog na raw nito ang Miss International.

Kaya after Miss Universe & Miss World, ito na raw ang 3rd most prestigious beauty pageant.

Pang-apat na raw ang Miss International. Panlima ba ang Miss Earth?

IMAGE Jerry Olea

Ang advocacy ng timpalak ay diversity of beauty and women empowerment.

Sabi pa ni Detlef (na isang German), wala siyang objection kung lumahok sa Miss Intercontinental ang isang transgender.

NOEL FERRER: Gusto ko talagang makita na matalo ng isang transgender ang mga babaeng kandidata, and see how people and the society will react.

Dito na kaya sa Miss Intercontinental mangyayari yun?

Malay mo naman, di ba?

JERRY OLEA: Bago ang coronation night ng 47th Miss Intercontinental, may pre-pageant event na “Filipiniana Night” kung saan isusuot ng mga kalahok ang Filipina formal gowns na likha ng Pinoy designers na nakabase sa mga probinsiya.

Paligsahan ito, kung saan ang designer ng winning gown ay tatanggap ng plake at US$1,000.

“Avant-garde design is not allowed. It should be elegant and wearable,” pahayag ni Joanna Leonisa G. Miyamae, CEO ng Miss Intercontinental Japan.

Para makasali, i-drawing ang Filipiniana gown (medium: oil, watercolor, ink or pencil). I-scan o litratuhan ang design at i-email o i-Messenger sa solgorgonio@gmail.com

Maliban kina Detlef at Joanna Leonisa, present din sa launch ng 47th Miss Intercontinental sina Veronica Salas Vallejo (Miss Intercontinental 2017), Kumi Miyamae (COO ng Miss Intercontinental Japan), Karen Gallman (Bb. Pilipinas Intercontinental 2018) at Akari Maeda (Miss International Japan 2018).

GORGY RULA: Hindi isyu sa Miss Intercontinental kung transgender at kahit retokada pa ang kandidata. Kaya kakaiba itong beauty competition na tututukan natin sa susunod na taon.

Balak din ng bumubuo ng Miss Intercontinental na ikutin ang ilang magagandang bahagi ng bansa para doon mag-shoot ng ilang segment nila, kagaya ng swimsuit at evening gown competition.

Kaya lang, parang hindi nakikipag-cooperate sa kanila ang Department of Tourism dahil may iba raw silang gustong i-prioritize, hindi ang mga beauty pageants.

Mabuti at nakipagtulungan naman ang Department of Trade and Industry.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN