Jerrold Tarog, si Darna naman ang ididirek pagkatapos nina Heneral Luna at Goyo

NOEL FERRER: Si Jerrold Tarog na nga ang bagong direktor ng Darna.

Siya na ang papalit kay Direk Erik Matti na siyang unang naatasang maging direktor ng pelikula starring Liza Soberano.

IMAGE Noel Orsal

Kahapon din lang umupo at kinausap at naibigay ang script kay Direk Jerrold kaya pag-aaralan pa niya ang dalawang sets ng materyal na naibigay sa kanya.

Kakaiba naman siguro ang atake ni Jerrold sa DARNA na materyal ngayon thru his fresh lenses.

Pagkatapos ng announcement ng bagong direktor, iisa isahin na rin ang pagpapakilala ng mga kasaling cast at tauhan sa epiko at classic na Pinoy super hero na movie na DARNA.

Lipad na!!!

JERRY OLEA: Lilipad at lilipad si Darna! Para sa bayan! Para sa mga naaapi at pinahihirapan!

Nagkasakit si Angel Locsin. Pumalit si Liza Soberano.

Umeksit si Enrique Gil. Pasok sa banga si Tony Labrusca.

Bumabu si Direk Erik Matti. Aba, hindi matatawaran ang husay ng pumalit sa kanya—ang nagdirek ng Heneral Luna at Goyo: Ang Batang Heneral — si Jerrold Tarog!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN