Gretchen Fullido, hindi suportado ng mga katrabaho niya sa ABS-CBN?

by PEP Troika
Oct 5, 2018

NOEL FERRER: Dati’y bulung-bulungan lang sa news room at sa kasamahan sa trabaho, pero ngayo’y full-blown news na ang pagsasampa ng reklamo ni Gretchen Fullido sa dating boss niya sa ABS-CBN News and Current Affairs na si Cheryl Favila.

 IMAGE Mark Atienza

Akala ko ay dun na nagtapos yun, pero may reklamo rin pala siyang inihain laban sa mga kasamahan niya na sina Ces Drilon, Venacio Borromeo at Marie Lozano.

Continue reading below ↓

Ang lumabas ay forced resignation ang nangyari kay Cheryl Favila (na kilala bilang Chair) pero hindi pala, dismissal pala yun because of gross misconduct.

Humingi siya ng tulong sa mga kaibigan sa TV Production, pero walang kongkretong maibigay na tulong.

Dinismiss ng ABS-CBN ang sexual harassment case, pero ngayon korte na ang didinig dito kasabay ng iba pang kaso.

Saan kaya hahantong ito?

JERRY OLEA: Nakakabilib ang tapang ni Gretchen na banggain ang mga makapangyarihang executive ng TV network.

Ilang taon na ang nakaraan, may kahawig na reklamo si Gerald Santos pero wala iyong kinahinatnan.

Si Gretchen ba ang local counterpart ni Ambra B. Gutierrez, ang Fil-Italian model na mitsa ng pagbagsak ng Hollywood mogul na si Harvey Weinstein?

Dumating sa bansa si Ambra noong Setyembre 29, Sabado, at ipinaliwanag sa ilang mamahayag ang pinagdaanan niya.

Naku! Dapat magsanib-puwersa kahit man lang sa litrato sina Ambra at Gretchen!

Mabuhay ang kababaihang ipinaglalaban ang kanilang paninindigan!

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Naiintindihan ko ang pinagdaanan ni Gretchen.

Ang nakakalungkot lang, bakit tila hindi sa kanya nakisimpatiya ang ilang mga katrabaho niya? Kaya nga ba umabot sa demandahan?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results