Nora Aunor humingi ng paumanhin sa tagahangang si Jojo Mendrez

by PEP Troika
Oct 6, 2018

JERRY OLEA: Humingi ng tawad si Nora Aunor sa tagahanga niyang businessman at tinaguriang "Revival King" na si Jojo Mendrez sa first major concert nito noong Oktubre 5, Biyernes nang gabi sa Resorts World Manila.

Pahayag ng Superstar bago ialay sa kanya ni Jojo ang awiting "Handog,"

“Alam mo, kanina, habang pinapanood kita roon, sabi ko doon sa mga kasamahan ko, ‘Parang na-guilty yata ako.’

“Alam mo, sa isang tao, pag nagkakaroon ng pagkakamali, hindi mo dapat ikahiya na aminin kung ano yung pagkakamali, kung ano yung naging kasalanan mo sa kapwa mo.

“Kasi, yun talaga ang nangyari. Ang importante, bukal sa puso mo na humihingi ka ng pagpapasensiya kung kanino ka nagkamali.

“At ngayong gabi po, kung nagkamali man po ako—kay Jojo—humihingi ako sa ‘yo ng tawad.

“Siguro ho, mga kaibigan... hindi lang nagkaintindihan.”

Sagot ni Jojo, “Wala na yun, Ate Guy. Ang mahalaga, alam mo, inabangan ng tao kung magkikita tayo ngayong gabi.”

Continue reading below ↓

Dagdag ni Nora, dapat ay nasa Busan international filmfest siya nang gabing iyon.

 IMAGE Jerry Olea

Imbitado siya sa Busan dahil palabas doon ang dalawang pelikulang pinagbidahan niya, ang Tatlong Taong Walang Diyos (1976) at Himala (1982).

“Pero dahil nga po sa nakasagot po ako kay Jojo at talagang kailangang nandito po ako e hindi na ho ako tumuloy doon,” nakangiting sambit ng Superstar.

Continue reading below ↓

“At dito ako tumuloy sa kanya.”

Ang pagpupugay ni Jojo kay Nora ay pagdiriwang ng ika-53 anibersaryo nito sa showbiz.

Habang inaawit ni Jojo sa harap ni Nora ang "Handog" ay ipina-flash sa screen ang mga larawan ni Ate Guy.

Sa finale, sinabayan ng Superstar si Jojo sa pagsayaw nito habang umaawit.

NOEL FERRER: Sulit on all levels—kay Jojo, sa mahal nating Superstar Nora Aunor at maging sa audience—ang naganap na concert kagabi.

To think na kasabay nito ay ang concert din ni Sam Smith, ha. In fairness, sold out ang Resorts World Manila show ni Jojo.

Years from now, kapag National Artist na si Ate Guy, malaking karangalan talaga ang naganap kagabi. Bravo!!!

GORGY RULA: Ang maganda pang nangyari kagabi, binati ni Pilita Corrales si Nora kagabi.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jerry Olea

Nakakatuwa ang duet nina Nora at Jojo.

Nakausap ko saglit si Nora pagkatapos ng concert, na-miss na raw talaga niyang mag-concert.

"Awa ng Diyos, makakanta na ako," pakli ng Superstar.

Sana raw next year ay puwede na siyang kumanta.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results