Pelikula ng Revilla brothers, patok sa Naga City

by PEP Troika
Oct 6, 2018

GORGY RULA: Nagdagsaan ang local media ng Naga City sa block screening ng pelikulang Tres sa Robinson's Naga kaninang umaga.

 IMAGE Jolo Revilla Instagram

Tungkol sa isyung pagtakbo ng ama niyang si dating Sen. Bong Revilla ang tinanong kay Jolo Revilla, na isa sa mga bida sa pelikula.

Hindi kinumpirma ni Jolo ang balitang pagtakbo ng kanyang ama.

Continue reading below ↓

Sabi lang niya, mas mabuting ang papa raw niya mismo ang magsalita kung tutuloy ba siya.

Marami lang daw talagang kumukumbinse sa kanyang ama dahil nakita naman daw nilang wala itong kasalanan.

"Napulitika lang siya talaga.

''Pero mas mabuting hintayin na lang natin ang desisyon na ibaba ng korte, dahil napatunayan namang wala siyang kasalanan.

"Sana umayon lang sa kanya ang ibabang desisyon," saad ni Jolo.

Samantala, anim na sinehan sa Robinson's Naga ang binuksan para ma-accomodate ang lahat na dumating.

Nagtilian ang mga tao nang lumabas na ang eksena ni Lovi Poe sa pelikula.

Napapag-usapan na tuloy nila ang pelikulang posibleng pagsamahan nina Jolo at Lovi.

NOEL FERRER: Best in effort na talaga ang Tres para masustain ang interes ng mga tao sa pelikula.

May all these efforts help in pushing for the weak box-office performance ng lahat ng mga pelikulang nagbukas ngayong linggo.

JERRY OLEA: Ang importante, nailunsad ang bagong henerasyon ng action stars mula sa angkan ng mga Revilla.

Continue reading below ↓

Hopefully, makalaya na si Bong bago mag-Pasko, at makagawa siya ng action movie na kasama ang kanyang mga anak.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results