Okey na ba ang health ni Gina Pareño?

JERRY OLEA: “Ayoko pang mawala! Ayoko pa! Sana, gusto ko, hanggang otsenta ako! Aaayy!”

Nakangiting sambit iyan ng beteranang aktres na si Gina Pareño sa launch ng QCinema 2018 filmfest noong Oktubre 5, Biyernes sa Gloria Maris, Gateway Mall, QC.

Ilang taon na ba siya ngayon?

IMAGE Jerry Olea

“Di ko na binibilang, pare,” masayang tugon ng leading lady ni Eddie Garcia sa pelikulang Hintayan ng Langit na isa sa limang competing entries sa Circle section ng 6th QCinema.

“Kasi, pag nagbilang ako... made-depress lang ako. Ha-ha-ha-ha-ha!

“Sa tingin ninyo, ano ang edad ko?”

Eklay ng isang female showbiz reporter, “50?”

“Ay, hindi!” mabilis na pagkontra ng fresh-looking veteran actress.

“Hindi naman,” aniya na pataas-taas ang mga kilay bago idinugtong, “61. Pero luka-luka pa rin akong kumilos! Ha-ha-ha-ha!”

Ayokong basagin ang trip ng mahusay na aktres kaya hindi ako nag-react violently.

Ayon sa Wikipedia, Oktubre 20, 1949 ang birthdate niya.

NOEL FERRER: Planong gawin ang 3rd installment ng Kasal, Kasali, Kasalo at Sakal, Sakali, Saklolo nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa direksyon ni Direk Joey Reyes sa isang taon, in time for the couple’s 10th wedding anniversary celebration.

Isang malaking role doon ay yung kay Tita Gina. Pero kumusta na nga ba si Tita Gina at ang kanyang health?

Yan ang kinukumusta sa akin nina Juday at Ryan na siyang sumasama sa kanya papuntang hospital.

Noon kasi ay ayaw na ayaw ni Tita Gina na pumunta ng hospital. Sina Juday at Ryan ang humikayat at sumama sa kanya para ipatingin ang kanyang kalagayan.

Sana nga ok ang health ng ating beteranang aktres.

GORGY RULA: Hindi ko lang maalala kung anong karamdaman meron noon ang beteranang aktres. Nalagpasan niya kaya yun?

Naapektuhan pa nga ang taping niya nun.

Masayahin kasi si Tita Gina, kaya parang napaka-positibo lang sa kanya.

Ang medyo nagulat ako, sa nasagap kong kuwentong may malubha raw na karamdaman ang kuya ng isang sikat na aktor.

Nag-aartista rin itong si Kuya ni Aktor pero matagal na siyang di active sa showbiz.

Ang sabi ng aming source, may liver cancer daw ito, pero di pa alam kung gaano na ba kalubha.

Ewan ko kung ikukuwento ito ni Aktor dahil marami naman siyang pinagkakaabalahan sa mga political issues.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN