Sino ang nahulog sa stage pagkatapos ng Miss World Philippines 2018 awarding?

by PEP Troika
Oct 7, 2018

GORGY RULA: Ang 26-year-old model at 1st runner-up sa Miss Intercontinental 2017 na si Katarina Rodriguez ang kinoronahang Miss World Philippines 2018.

Lalaban si Katarina sa Miss World 2018 na gaganapin sa Sanya, China sa December 8 ng taong ito.

Isa rin si Katarina sa nakakuha ng maraming special awards.

Continue reading below ↓
Miss World Philippines 2018 Katarina Rodriguez and Miss World Organization Chairman Julia Morley
 IMAGE Miss WSorld Philippines Organization Facebook

Ang iba pang winners ay sina Alyssa Muhlach Alvarez (Reina Hispanoamericana Filipinas), Maureen Montagne (Miss Eco-Philippines), Kimi-Lei Mugford (Miss Multi National Philippines), ang aktres na si Chanel Morales (First Princess), at Pearl Hung (Second Princess).

May aksidenteng nangyari pagkatapos ng awarding.

Nagulat ang lahat nang biglang nakarinig ng malakas na kalabog ang mga tao sa loob ng New Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

May nahulog pala sa stage.

Inaalam pa ng PEP Troika kung kandidata o isa sa organizers ang nahulog sa stage.

Hinintay ang pagdating ng paramedics para kunin ang nahulog sa stage para isugod sa hospital.

JERRY OLEA: Ang Miss World Philippines 2016 na si Catriona Gray ay pasok sa Top 5 ng 66th Miss World noong December 18, 2016 sa Washington, DC, USA.

Kapagkuwan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas, at panlaban natin sa 67th Miss Universe na gaganapin sa December 17, 2018 sa Bangkok, Thailand.

Si Katarina Rodriguez ay sumali sa Binibining Pilipinas 2017, nagwaging Bb. Pilipinas-Intercontinental 2017, at naging first-runner up sa Miss Intercontinental 2017.

Continue reading below ↓

Pagsali ni Katarina sa Miss World Philippines 2018, natamo niya ang korona.

Sa December 8 ang laban niya sa Miss World 2018 sa Sanya, China.

Good luck kina Katarina at Catriona!

NOEL FERRER: Sino na ang nahulog sa stage? Hitsurang Kris Aquino ba sa Pido Dida song number sa dating GMA Supershow?

Flashforward: Oh well, it seems like Kris is very happy sharing her picture while having dinner with QC Mayor Herbert Bautista and some friends. Hayaan na natin sila.

Sino ang nahulog sa stage? Hindi kaya isang taga-Mr. World na ang impact ay parang nahulog na rin sa stage nang medyo nagkamali-mali siya sa paghu-host ng segment sa Miss World pageant?

Oh well, good luck sa mga winners sa kanilang international pageants at kay Chanel Morales, na sana ay makatulong sa kanyang career ang pagsali rito at makoronahang First Princess!

GORGY RULA: Napag-alaman ng PEP Troika ngayong umaga lang na assistant pala ng isang sponsor na si Cathy Valencia ang aksidenteng nahulog sa stage.

Continue reading below ↓

Kaagad namang dumating ang paramedics at maayos siyang isinakay sa wheelchair at isinugod sa hospital.

Hindi lang kami nakapag-update kung kumusta na siya ngayon.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results