Isang bida ng Los Bastardos, naging "Lost Bastardos" noong ABS-CBN Ball

JERRY OLEA: Walang litrato na magkakasama ang limang bida ng PHR Presents Los Bastardos sa ABS-CBN Ball noong Setyembre 29 sa Shangri-La Makati.

Maaga kasing umuwi ang isa kina Jake Cuenca, Diego Loyzaga, Albie CasiƱo, Marco Gumabao, at Josh Colet.

Josh Colet, Albie Casino, Jake Cuenca, Diego Loyzaga, and Marco Gumabao
IMAGE Jake Cuenca Instagram

Hindi ito nagpaalam sa mga kasamahan. Basta na lang umuwi ng bahay.

Kaya hanap kete hanap sa kanya ang mga taga-Los Bastardos noong oras na maggu-group picture ang mga bida.

Nang matanto nilang nakauwi na ang hitod, tinagurian nila ito bilang... Lost Bastardos.

GORGY RULA: Mabait naman ang aktor na ito. Maaaring may dahilan kung bakit bigla niyang nilayasan ang pictorial na iyan.
Aalamin ko sa manager niya.

NOEL FERRER: Maliban sa aktor na ito, sayang din at kahit sa publicity pictorial, hindi kasama ang nagbabalik-Kapamilya at bagong ama na si Geoff Eigenmann.

Oh well, abangan natin ang sexy afternoon drama na ito.

Ano na nga ba ang papalitan nitong teleserye?

Parang ang daming nakapilang ginagawang soap opera ang Kapamilya network, pati na para sa kanilang digital content.

At least, maraming may trabaho, di ba?

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN