Janine Gutierrez at Rayver Cruz, kailangan pa bang umamin tungkol sa relasyon nila?

JERRY OLEA: Gaya nina Barbie Forteza at Jak Roberto, magkasamang dumating sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz sa birthday party ng showbiz columnist na si Allan Diones nitong Oktubre 7, Linggo, sa 1009 bar, Morato Extension, Quezon City.

Present din doon ang mother ni Janine na si Lotlot de Leon.

IMAGE Jerry Olea

Naka-three shooting days na si Janine sa Regal movie na Elise, kung saan katambal niya si Enchong Dee.

Kumustang katrabaho si Enchong?

“OK naman. Naka-work ko na siya before, e. Sa Lila,” nakangiting tugon ng Kapuso actress.

“Kaya gamay na namin ang isa’t isa. Hindi na kami nagkakahiyaan or anything.

"So, masaya. Masaya lang yung eksena."

Dati ay magpinsan ang papel nila sa horror movie na Lila (2016). Ngayon ay may kissing scene sila.

Kaharap si Rayver nang uriratin namin ang dalaga kung nakunan na ang kanilang halikan. Umoo si Janine.

Deadma si Rayver habang pangiti-ngiti ang dalaga nang tanungin namin kung OK ba ang kissing scene.

Sabi ni Janine, “OK naman. Friends naman kami, kaya at least, napag-uusapan namin bago mag-take. Kung anong gagawin.

“Kaya mas madali na.”

Janine and Rayver with Lotlot de Leon and Allan Diones
IMAGE Jerry Olea

NOEL FERRER: Buti na lang, deadma na si Janine sa mga isyu about her ex-boyfriend, Elmo Magalona. She has truly moved on.

Exciting at nagpepelikula na ulit si Janine kasi OK siya sa magagandang indie films na ginagawa niya.

Looking forward for her having a hit para magka-film persona.

GORGY RULA: Kaya lang, hindi pa talaga hayagan ang kanilang relasyon.

Hindi pa nila inaaming sila na talaga, at kung kailan naging sila.

Sinasabi lang ni Janine na mas lumalim daw ang kanilang friendship na naging close sa isa’t isa.

“Mas nakilala ko siya nang husto ngayon,” sabi lang ni Janine sa mga nakaraan niyang interviews.

Pero kailangan pa bang itanong iyan? Mukhang sila naman talaga. Hindi nga lang nila ina-announce officially.

Kung magkaroon sila ng project na pagsamahan nila sa GMA-7, malamang na doon na lang magkaaminan.

Mas natutuwa lang daw ngayon si Janine dahil si Kris Bernal ang first leading lady ni Rayver sa bagong drama series na Asawa Ko, Karibal Ko.

“Excited ako na si Kris Bernal ang unang Kapuso actress na makasama niya,” pakli ni Janine nung nakausap namin sa story conference ng pelikulang Elise ng Regal Multimedia.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN