Ricky Davao, nakahubad na nilatigo ni Jasmine Curtis-Smith sa Never Tear Us Apart

JERRY OLEA: Ano ang feeling ni Ricky Davao na pinalitan ang title ng Cinema One Originals 2018 entry nila ni Jasmine Curtis-Smith na Fisting at ginawang Never Tear Us Apart?

IMAGE Noel Orsal

“Ahhh, well, marami kasing taong nag-react after lumabas yung title, yung trailer, yung posters,” tugon ni Ricky nang makatsika ko sa birthday party ng colleague na si Allan Diones nitong Oktubre 7, Linggo ng gabi, sa 1009 Bar, Morato Extension, Quezon City.

“Ganun talaga, e. May mga... Medyo mabigat naman talaga yung title. Di ba? Dun sa mga nakakaintindi about it, ano?

“Siguro, para wala na lang gulo. Kasi, nag-comment na rin ang MTRCB, e.

"At nag-comment na rin ang management ng ABS-CBN.

“So, might as well ano na, di ba?”

Kumusta yung eksenang naghubad siya at lalatiguhin ni Jasmine?

“Ha! Ha! Ha! Ha! Panoorin na lang nila! Ha! Ha! Ha! Ha!” mataginting na halakhak ng premyadong aktor.

Na-awkward ba si Jasmine sa nasabing eksena?

“Hindi. She’s very professional,” mabilis na sagot ni Ricky. “Ang galing-galing niyang artista!

“Nakakabilib. She’s a very, very serious actress.”

Sa pagkakatanda ni Ricky, huli siyang naghubad sa pelikula ay sa Ang Lalaki sa Buhay ni Selya (1998).

Comfortable pa rin ba siya nang pinaghubad ng direktor?

“Well, ahhh... pag majubis [mataba] ka, medyo mahihiya ka! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Pero kasi, natural naman, e. Ibig sabihin, yun yung role!” maigting na bulalas ni Ricky, na nasa cast din ng Pang-MMK (idinirek ni John Lapus, at entry rin sa Cinema One Originals 2018).

NOEL FERRER: Parang self-regulation na ang nangyari rito sa Cinema One sa pagpapalit ng title.

Matindi ang pressure kay Jasmine sa kanyang pagbabalik-Cinema One kasi nag-Best Actress siya rito dati.

Excited din ako for Ricky Davao dahil he always does mga kakaibang roles na kinakikitaan ng ibang commitment at katapangan.

GORGY RULA: Hindi na bago kay Direk Ricky ang ginawa niya sa pelikulang iyan.

Halos lahat nagawa na niya. Kaya keribels!

Si Jasmine ang talagang promising dahil ang daming magagandang projects na napunta sa kanya, kaya sobrang thankful naman siya.

Kaya wala pa sa isip niyang mag-settle down, kahit yun na lang ang kulang sa kanila ng non-showbiz boyfriend niyang si Jeff Ortega.

Wala pa raw sa plano nila ang magpakasal dahil pareho silang hindi pa ganun kahanda.

“Hindi pa kami ready diyan. We talked about it, pero pareho pa kaming hindi pa ready,” pahayag ni Jasmine nang nakausap namin sa nakaraang presscon ng Pamilya Roces ng GMA-7.

Wala naman daw siyang naiisip pa na marrying age, pero puwede na rin daw kung kagaya ng ate niyang si Anne Curtis na talagang itinodo muna ang pagkadalaga bago magpatali kay Erwan Heussaff.

“Parang kay Ate. Sinagad niya, e, kaya sagad na rin yun for me.

“Kasi I see naman punung-puno pa rin siya ng energy. Kaya naman ng katawan niya to have a baby, to have family, and everything.

“So, when the right time comes, huwag naman sana sobrang aga na bukas na, di ba?

"Siguro in the next four years,” nakangiting pahayag ni Jasmine.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN