Albie Casino, masuwerte raw sa current girlfriend niya

by PEP Troika
Oct 8, 2018

JERRY OLEA: Tatlong beses nang na-in love si Albie Casiño. Halos tatlong taon na sila ng current girlfriend niya.

Suwerte ang girl sa kanya, huh?!

 IMAGE Noel Orsal

“Suwerte ako sa kanya,” matamis na pagngiti ni Albie nang makausap ng PEP Troika sa mediacon ng pelikulang First Love nitong Oktubre 8, Lunes ng hapon, sa Dolphy Theater, ABS-CBN Compound, QC.

Continue reading below ↓

“Maalaga kasi siya, e... She grew up in the States. When she was 16, she was already working two jobs.

“So, very mature siya. She’s by herself here. She takes care herself. She lives in her condo. She cooks and stuff.

“So, parang ang dami kong natututunan sa kanya.”

Hindi marunong mag-Tagalog ang kanyang syota at ayaw nitong mag-showbiz. Model-model lang ito.

“Whatever she does, I’ll support her 100%!” sambit ni Albie.

“She did Gandang Filipina, she won that. I even went to the finale, di ba?

“I’m never gone tell her, ‘No.’ She was supposed to be in the film! Ha! Ha! Ha! Ha!

“They needed someone who looks like a foreigner... ayaw niya, e! Ayaw niya! Ha! Ha! Ha! Ha!” masayang kuwento pa ni Albie, na isa sa mga bida sa Kapamilya teleseryeng PHR presents Los Bastardos.

GORGY RULA: Nasangkot sa video scandal ang mga bida ng Los Bastardos.

Continue reading below ↓

Ang iba, hindi talaga ma-deny. Ang iba naman, kagaya ni Albie, parang kamukha lang.

Puwedeng lilitaw muli itong sex video scandal na ito sa kainitan ng promo ng Los Bastardos.

Tutal, sexy naman ang packaging nito kaya makakatulong din siguro ito sa bagong teleserye nila.

JERRY OLEA: Inaasahan natin ang pa-abs ng mga bida sa PHR Presents Los Bastardos.

“Malamang, pa-abs, number 1 yun,” nakangiting sabi ni Albie. “I guess, different... different side ng pag-arte ko.

“Itong role ko ngayon, ma-abs siya, pero ito iyong first na nagbigay sa akin ng ibang role.

“From OTWOL to Pusong Ligaw, medyo similar yung role, e. Di ba? Mga bad boy na may parental issues.

“Ito naman, may parental issues pa rin. Pero complete opposite naman ng mga past character ko, di ba?

“Parang kapag may ayaw ako, hindi ko puwedeng sabihing ayaw ko ‘yan! I have to keep it to myself.

"Mababa ang tingin ko sa sarili ko. Parang ganun, di ba?

Continue reading below ↓

“Iba rin. Hindi porke’t sabihing ma-abs yung show ay wala nang depth, di ba? This is the deepest role I’ve got for a long time.”

Ang ka-partner niya rito ay si Mary Joy Apostol na nagbida sa pelikulang Birdshot.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story β†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results