Aga Muhlach, hinikayat ang mga kaibigang panoorin ang pelikula nila ni Bea Alonzo

JERRY OLEA: Trailer pa lang ng pelikulang First Love, gandang-ganda na ako.

Agad akong nanabik na mapanood ang love story nina Nick (Aga Muhlach) at Ali (Bea Alonzo).

IMAGE Noel Orsal

Si Nick ay isang negosyanteng sumuko na sa buhay. Si Ali ay isang photographer na may sakit sa puso, at ayaw pang mamatay.

Nagkakilala sila sa Vancouver (Canada), at doon ay umusbong sa kanilang puso ang pag-ibig na dakila.

Sa mediacon nitong Oktubre 8, Lunes, sa Dolphy Theater, damang-dama ko ang sincerity nina Aga at Bea sa paglalahad ng pinagdaanan at pinagsaluhan nila sa proyektong ito.

Tatlumpong (30) araw silang nanatili sa Vancouver. Nailang sila noong unang araw ng shooting, ngunit agad nagkapalagayan at nagkatulungan.

Sabi ni Aga kay Bea, ito ang anchor niya. Takot na takot na kasing gumawa si Aga ng love story, dahil halos lahat ay nagawa niya sa ganoong genre. Ang tagal pa niyang nagpahinga.

Pero iyon na nga, swak na swak sina Aga at Bea sa isa’t isa. Perfect match bilang mga artista.

May pagkakataong natulala si Aga sa husay ni Bea.

Labis na ipinagmamalaki ng premyadong aktor ang First Love.

Sa unang pagkakataon, naghikayat si Aga sa kanyang mga kaibigan na panoorin ang kanyang pelikula.

Ani Aga, “I am so thankful to the Lord, and thankful to all the people involved for making this happen. Thank you.

“And that is what you’re gonna experience—the pain and joy, everything.

“I’m not saying this because I’m promoting. That’s the least I would want to do... ‘Panoorin n’yo po! Marami kayong matututunan!’

“Wala kayong matututunan dito! Manood kayo, magandang pelikula ito! Iyon lang ang sa akin!

“Hindi kami gumawa ng pelikula para magturo!

“Pero gumawa kami ng pelikula para maramdaman niyo yung... pati bayad ninyo, yung oras ninyo pagpunta ng sinehan, yun ang parati kong iniisip.

“So, all the viewers, men, I guarantee you, guys... you’re in for a ride really. Thank you!”

NOEL FERRER: Visually appealing. Good story. And excellent actors.

Let’s see how this fares in the box office.

Personally, I’m excited to watch this movie.

Sana mag-work ang teamup na ito na ang bango-bango. I wonder who will give the needed spunk!

Good luck!

GORGY RULA: Tama ngang focused muna ngayon si Aga sa first love niya—ang pag-arte.

Ang dinig ko kasi, bago niya sinimulan ang movie project na ito, may ilang pulitiko ang nagkukumbinsi sa premyadong aktor na pasukin muli ang pulitika.

Pero mukhang napaso na si Aga, ayaw na niyang tuluyan masunog.

Mas gusto niyang mag-showbiz na lang, at isantabi na ang pulitika.

Pero hindi pa naman natin masabi.

Malay natin, baka magbago siya ng isip o talagang buo na sa loob niyang sa pag-aartista na siya.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN