Direk Chito Rono, maloloka raw pag nakapasok ang Signal Rock sa Oscars

by PEP Troika
Oct 9, 2018

JERRY OLEA: 87 pelikula ang kakarera sa kategoryang Best Foreign Language Film ng Oscars 2018.

Inihayag ito ng Academy nitong Oktubre 8, Lunes.

Noong nakaraang taon ay record-holding ang 92 entries na nag-qualify sa nasabing category.

Sa unang pagkakataon ay nag-submit ang mga bansang Malawi at Niger.

Ang official Academy screenings sa kategoryang ito ay mula Oktubre 15 hanggang Disyembre 10.

Continue reading below ↓

Panonoorin ng Los Angeles-based volunteers mula sa lahat ng sangay ng Academy ang eligible films sa Samuel Goldwyn Theater (Beverly Hills) at Linwood Dunn Theater (Hollywood).

Bawat botante ay kailangang manood ng hindi bababa sa 12 pelikula.

Siyam na pelikula ang aabante sa short-list, at lima ang magiging nominado.

Ang aspiring entry ng Pilipinas ay ang Signal Rock na idinirek ni Chito S. Roño.

First time lumabas ng bansa ang Signal Rock sa ongoing 23rd Busan International Film Festival (Oktubre 4-13, South Korea), kung saan tatlong beses itong ipapalabas.

Continue reading below ↓

Nakausap namin si Direk Chito sa FDCP send-off presscon ng Pinoy delegates sa BIFF noong Oktubre 2, Martes, sa Max’s, Sct. Tuazon St., QC.

Ibinalita niya sa aming ipapalabas din ang Signal Rock sa Oktubre 17 sa isang film fest sa Culver City (Los Angeles County, CA).

“Manonood dito ang ibang Academy members,” sabi ni Direk Chito.

Ito ang ikalawang aspiring entry ni Direk Chito sa Oscars. Nauna rito ang Dekada ‘70 (2002).

Imbitado ang pelikula sa dalawa pang filmfest sa Amerika, pero ayaw niyang i-preempt ang official announcements.

Ano kaya ang magiging feeling ni Direk Chito pag pumasok sa short-list ng Oscars ang Signal Rock?

Natatawang tugon niya, “Maloka na ako dun. Siguro... umiiyak na ako!”

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Orsal

NOEL FERRER: Sana talaga tulungan ng ating gobyerno na mai-promote ang pelikulang Signal Rock para mailagay ito sa consciousness ng voting members ng Academy.

Malaking gastos na parang kampanya actually ang kailangan dito.

Sana ay makakuha tayo finally ng nominasyon mula sa Oscars at kesehodang maloka o umiyak si Direk Chito, ngunit ang katotohanan ay dependent talaga sa pagbibigay prayoridad ng gobyerno sa sining ng pelikula.

GORGY RULA: Siguro naman ay suporta ang FDCP sa pagpasok ng Signal Rock sa Oscars.

Di ba, dati may pa-fundraising pa ang Ploning para lang magamit sa Oscars, pero waley naman?

Tingin ko, hindi naman kailangang gawin iyan ni Direk Chito.

Pero malaking bagay rin kung paglaanan ito ng budget ng tanggapan ni Chair Liza Diño.

Ang pagkakaalam ko, meron pang ibang international filmfests na papasukan ng pelikulang ito, pero mas naka-focus ngayon si Direk Chito sa Oscars.

Parang keber niya sa ibang filmfests.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results