Karen Gallman, itinangging naging miyembro siya ng Baywalk Bodies

JERRY OLEA: Itinanggi ni Bb. Pilipinas Intercontinental 2018 na dati siyang member ng Baywalk Bodies, all-female sing & dance group managed by Lito de Guzman).

IMAGE Jerry Olea

“Ay, hindi! Never!” maigting na bulalas ng 26-anyos na binibini nang matsika namin sa launch ng 47th Miss Intercontinental noong Oktubre 4, Huwebes, sa Conrad Hotel.

“Nag-manage sa akin si Lito de Guzman noon, ilang months lang. For talent. Like artista. Five or six months lang.

“I was only 14, 15... Baywalk?! Underage! Bawal iyan!’ natatawang sambit ni Karen.

May picture kasi siya na kasama ang Baywalk Bodies kaya akala ng iba, member siya ng grupo.

Mabining paliwanag ng dalaga, “Ahh, kasi, Lito de Guzman had a restaurant. Doon sila nagha-hang out. Kakain.

“So, picture-picture.”

Mataba pa siya noon? Plump?

“Hindi naman mataba! Chubby lang!” napangiting pakli ni Karen, na tubong-Ubay, Bohol.

Kokoronahan ang 47th Miss Intercontinental sa Enero 26, 2019 sa bansa.

Kahit dito ang venue, Japan ang host country ng timpalak sa edisyong ito.

NOEL FERRER: Good luck kay Karen!

At dahil sampu-sampera ang beauty pageants, kailangang makagawa siya ng sarili niyang tatak para magmarka siya sa diwa ng masa.

As for Lito de Guzman, interesting kahapon ang pagsasabi sa kanya na sinungaling ni Kathy Dupaya sa isyung pagbebenta ng signature bags niya sa radyo ni Cristy Fermin kagabi.

Nakatakda raw silang magkita kagabi.

Sana magkaayos na sila dahil dumadami ang katsipang mga issue sa mundo, huwag na silang dumagdag pa!

GORGY RULA: Pagkatapos ma-launch ang Miss Intercontinental 2018 dito sa atin, pinag-uusapan na malaki raw ang tsansang manalo ni Karen dahil ang manager niyang si Rodgil Flores ang hahawak nitong beauty pageant na gaganapin dito sa atin.

Siyempre, haka-haka lamang yun dahil hindi naman kayang maniobrahin iyan ni Rodgil gawa nang ang Miss Intercontinental-Japan ang producer nito at pawang galing sa ibang bansa ang uupong judge.

Sa pagkakaalam ko, dalawang judges lang ang kukunin dito sa atin.

Ang CEO ng Miss Intercontinental na si Detflef Tursies ng Germany ang pipili ng ibang hurado.

Sa January 26, 2019 na ang Miss Intercontinental na gaganapin sa SM-MOA Arena.

Inaasahang makipag-cooperate naman ang kahihirang lang na Miss World Philippines na si Katarina Rodriguez dahil naging 1st runner-up naman siya sa Miss Intercontinental 2017.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN