Joshua Colet, pantelenobela ang kara at porma kaya ginawang bida sa Los Bastardos

by PEP Troika
Oct 9, 2018

JERRY OLEA: Hindi tumatak sa televiewers ang pagganap ni Joshua Colet sa PHR Presents Araw Gabi.

Noong presscon pa naman eh present ang tatay niyang si Noel Colet.

Ayon sa isang Kapamilya insider, naghahanap noon ang executives ng isa pang bida sa PHR Presents Los Bastardos.

“Napanood siya sa Araw Gabi, at nakita ang kanyang potential. He was pulled out of Araw Gabi kaya hindi siya nagmarka roon,” sabi ng Kapamilya insider.

“Pantelenobela ang kara at porma ni Joshua, kaya ginawa siyang isa sa mga bida sa Los Bastardos.

Continue reading below ↓
 IMAGE Joshua Colet Instagram

Si Joshua ba talaga iyong nasa kumalat na screen caps ng video scandal recently, o kahawig lang niya?

Kaya ba siya kinuha sa Los Bastardos ay dahil doon? Sabi-sabi, may scandalicious videos din ang iba pang mga bida ng nakakapag-init na telenobela.

“No, of course not. Hindi iyan naging consideration!” bulalas ng Kapamilya insider.

“Kung siya nga iyong nasa video, bata pa siya noon. Adventurous. Charge it na lang to impulsiveness.”

NOEL FERRER: Joshua who? Mahirap talagang magkaroon ng kapangalan sa industriyang ito.

Maikukumpara ka talaga at mahihirapan ka talagang umangat.

Kaya doble, triple effort pa more!

Good luck!

JERRY OLEA: Nag-aartista pa rin si Noel Colet. Nakasama ito sa Sana, Dalawa Ang Puso.

Ang kapatid nitong si Alex Colet (na nag-artista rin noon) ay nagnegosyo na lang.

“Showbiz family po talaga kami. So, parang namana ko rin po yung pagmamahal sa pag-arte,” sabi ni Joshua nang mainterbyu namin noong Abril 23 sa mediacon ng Araw Gabi.

Continue reading below ↓

OK lang kay Joshua ang sexy role o image.

“Nag-Star Magic po ako, 2011. Nag-Oka Tokat po ako, kasama sina Paul Salas, Jane Oineza,” aniya pa.

“Nag-PHR din po ako, Lumayo Ka Man Sa Akin. Ka-love team ko po si Marlann Flores. Yun po yung kay Maja Salvador at Jason Abalos.”

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Los Bastardos
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results