Rainbow's Sunset ni Direk Joel Lamangan, pasok sa MMFF 2018

by PEP Troika
Oct 9, 2018

NOEL FERRER: Naging masalimuot ang panonood at pagtatalo para sa Final 4 slots sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018.

Pagkatapos ng Fantastika, Jak Em Popoy: Puliscredibles, Girl In The Orange Dress, at Aurora— na dumaan sa ganitong criteria: 40% artistic excellence; 40% commercial appeal; 10% promotion of Filipino cultural and historical values & 10% global appeal—isa sa mga standout na may appeal sa karamihan ng members ng Selection Committee ay ang Rainbow's Sunset ni Direk Joel Lamangan with Eddie Garcia, Tony Mabesa, Gloria Romero as lead stars.

Continue reading below ↓

Heartwarmingly funny, tunay na maganda ang feedback sa kakaibang love story na ito.

JERRY OLEA: Hindi matatawaran ang husay ng mga artista sa Rainbow's Sunset. Karamihan, premyado!

Andiyan sina Eddie Garcia, Gloria Romero, Tony Mabesa, Tirso Cruz III, Aiko Melendez at Sunshine Dizon.

Multi-awarded din ang direktor—Joel Lamangan.

Family drama ito na may social relevance!

GORGY RULA: Matunog na talaga itong Rainbow's Sunset ni Direk Joel Lamangan.

Nasilip ko ang trailer nito, naluha na ako.

Sa trailer pa lang na-impress na ako sa galing ni Tirso Cruz III.

Pero magagaling na silang lahat, lalo na sina Eddie Garcia at Tony Mabesa.

Tiyak na lalaban ito sa awards night.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results