Pelikula nina Toni at Alex Gonzaga with Sam Milby, pasok din sa MMFF 2018

by PEP Troika
Oct 9, 2018

NOEL FERRER: Mary Me, Marry Me ang sumunod na MMFF 2018 official entry with sisters Toni and Alex Gonzaga by Paul Soriano’s Ten17 Productions.

First directorial job ito ni Arsi delos Reyes.

This one is a family romcom with Sam Milby as their leading man.

Magandang abangan kung mauulit ni Paul ang kanyang suwerte at achievements ng entry niya last year na Siargao bilang producer.

Continue reading below ↓
Alex Gonzaga, Sam Milby, and Toni Gonzaga
 IMAGE Toni Gonzaga Instagram Stories

JERRY OLEA: “Marry” Xmas ito para kina Toni, Alex at Direk Paul!

No. 3 sa takilya ng MMFF 2017 ang Siargao, na idinirek ni Paul.

Humakot ito ng awards—best director, best supporting actress (Jasmine Curtis Smith), best cinematography, best editing, best sound, best theme song.

Tuwang-tuwa si Aga Muhlach sa tagumpay ng Siargao (pinagbidahan nina Jericho Rosales at Erich Gonzales).

Sabi ni Aga sa presscon ng First Love (directed by Paul Soriano) nitong Oktubre 8, Lunes, sa Dolphy Theater, napahiya ang mga nang-api kay Direk Paul na nagsabing pang-number 9 sa takilya ang Siargao.

Itong First Love na pinagtambalan nina Aga at Bea Alonzo, nangangamoy-tagumpay umpisa Oktubre 17.

Naaliw ako sa Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka na pinagbidahan ni Alex.

Hindi ako magtataka kung “merry” ang box-office results ng Mary, Marry Me na iprinodyus ni Direk Paul para sa asawa at sister-in-law.

GORGY RULA: First directorial job ito ng director na si Arsi delos Reyes.

Continue reading below ↓

Siya pala ang supervising producer ng Siargao nung nakaraang taon.

Malay natin, baka mag-surprise din ito gaya ng Siargao.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results