Derrick, curious sa reaksiyon ng mommy niya sa love scenes nila ni Sanya

GORGY RULA: Nagtitilian ang fans nina Derrick Monasterio at Sanya Lopez tuwing may love scene ang dalawa sa pelikula nilang Wild and Free na magbubukas na ngayong araw, October 10.

Sa premiere ng naturang pelikula na ginanap sa SM Megamall kagabi, October 9, suportado ito ng fans ng dalawa.

IMAGE Noel Orsal

Natutuwa lang daw sila dahil kahit daring sila sa naturang pelikula, ramdam nilang tanggap ito ng kanilang mga fans.

Ani Sanya, “Ang maganda lang sa kanila, yung sigaw nila, may kilig, e.

"Kasi kapag yung sigaw nila na parang wala lang, mas kinakabahan kami dun.

"Pero cute lang na makita sa mga tao na everytime may eksena kaming ganyan, kinilig sila."

Curious lang daw si Derrick kung ano ang reaksiyon ng mommy niyang si Tina Monasterio sa pagiging daring niya sa pelikula. Kakausapin pa raw niya ito pag-uwi ng bahay.

Kahit si Sanya ay wala pang nakukuhang feedback mula sa kuya niyang si Jak Roberto.

“Nakita ko lang siya, tuwing may love scene kami, nakatingin siya sa akin, na parang ‘Ikaw, ha?!'” natatawang pahayag ni Sanya.

Napa-oo rin ang dalawang bida nang tinanong namin kung totoo bang marami pa silang love scenes na tinanggal dahil iniiwasan nilang bigyan ng R-18 na rating ng MTRCB.

R-13 ang rating nito, pero sobrang mapangahas pa rin ito para kina Derrick at Sanya.

Binigyan din ito ng Grade B ng Cinema Evaluation Board.

JERRY OLEA: Nakatsika ko si Mother Lily noong Sunday night sa birthday party ni Allan Diones sa 1009 bar, Morato Ext., QC.

Natawa ako sa sagot niya kung naniniwala ba siyang virgin pa si Sanya.

Maliit lang ang budget ng Wild & Free kaya siguradong mababawi niya ang puhunan dito.

R-13 ang pelikula, kaya huwag tayong mag-expect ng matitinding lampungan, lalo pa’t naghihigpit ang MTRCB these days.

Pati nga title nito ay pinagdiskitahan dahil pamporno raw ang dating.

NOEL FERRER: Excited akong mapanood kung ano ang nagawa ng kaibigan kong direktor na si Connie Macatuno kina Derrick Monasterio at Sanya Lopez.

May paying audience ba sina Sanya at Derrick?

Abangan natin iyan sa box-office results ng pelikula, na kasabay na palabas ang Liway ng Kapuso ring si Glaiza de Castro.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN