John Lapus, masundan kaya ang yapak ni Direk Wenn Deramas sa comedy films?

by PEP Troika
Oct 10, 2018

JERRY OLEA: Tahasang sinabi ni John Lapus na hindi siya madedemanda dahil sa unang pelikulang idinirek niya, ang Pang MMK, na isa sa siyam na competing films ng Cinema One Originals 2018 filmfest (October 12-21).

 IMAGE Noel Orsal

“Hindi naman! Hindi kasi ito true-to-life story, di ba?” matamis na pagngiti ni John nang makausap namin sa opening night ng filmfest nitong Oktubre 9, Martes ng gabi, sa Gateway Mall, Araneta Center, Cubao, QC.

Continue reading below ↓

Paano kung may magsabi na true-to-life ang pelikula na siya rin ang nagsulat?

“Hindi talaga! Promise!” pag-iling ni John.

“Hindi! Sorry! Hindi ninyo ako madedemanda! Panoorin niyo na lang itong pelikula namin at sasaya kayo!

“Sabi ko nga, hindi lang ito magbibigay ng ngiti sa mga labi, tawa sa mga bunganga.

“Magbibigay rin ito ng aliw sa inyong mga puso!”

GORGY RULA: Kung mapapanood sa pelikulang ito ang style ng pagpapatawa ni John Lapus, bongga na!

Tiyak na riot iyan at diyan na siya sa pagdidirek mag-focus.

May napatunayan na siya sa pagsusulat, pag-aartista, at paghu-host. Ipapakita naman niya ngayon ang galing sa pagdidiek.

Kailangan talaga natin ng kakaiba at magaling na comedy director. Mahirap kasing gawin iyan, e.

Saka aliw kung meron na tayong tinatawag na "Direk Sweet" sa showbiz.

NOEL FERRER: Nang lisanin tayo ni Direk Wenn Deramas, may malaking void na nawala sa pagpapatawa na huli ang kiliti ng masa.

Continue reading below ↓

Sana si John Lapus na ang pumuno noong gap na iyun.

Guest ko si John sa radyo nang ipinalangin niyang magbukas ang pinto ng pagdidirek sa kanya at nakiayon tayo dun.

Ang maganda kay John, he never stopped learning—nag aral siya, nagsanay para paghandaan itong bagong role at responsibilidad niya sa industriya.

Good luck, Sweet! Good luck sa Pang MMK at sa iba pang lahok sa Cinema One Originals.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results