Rufa Mae Quinto, hindi isyu kung super-duper-below-the-title ang billing niya

by PEP Troika
Oct 10, 2018

JERRY OLEA: Inapi-api si Rufa Mae Quinto sa billing ng pelikulang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka, na pinagbidahan ni Alex Gonzaga.

“Bakit?” tila nagugulumihanang sambit ni Rufa Mae nang matsika ko sa opening night ng Cinema One Originals 2018 filmfest nitong Oktubre 9, Martes ng gabi, sa Gateway Mall, QC.

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Orsal

Super-duper-below-the-title ang billing niya.

Isang eksena lang siya, di na lang sana siya nilagay sa poster, di ba?

May cameo rin doon si Toni Gonzaga pero di na inilagay ang name nito sa poster.

“Cameo lang ako roon. Hindi naman sila nagbayad, charot!” tili ng sexy comedienne, na bida sa Bagyong Bheverlyn, isa sa 9 competing entries ng C1 Originals this year.

Sana, di na lang inilagay ang name niya para hindi siya api-apihan ang peg...

“E, yung mga part na yun, OK lang yun. Kasi, andun naman ako to support my friend, si Alex,” paliwanag ni Rufa Mae.

“Saka andun din ako sa movie [Mary, Marry Me] nina Toni at Alex.

"So, lahat ng movies nila, andudun ako! Pero secret lahat yun!

“Pero ibinulgar na natin. So, may friendship ano lang yun... Friendship ano lang! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Nagpaunlak agad si Rufa Mae nang i-request namin na mag-pose siya na pam-best actress.

Continue reading below ↓

Wacky!

 IMAGE Jerry Olea

NOEL FERRER: Oo nga, gustung-gusto ni Rufa Mae na mapansin siya bilang Best Actress tulad ng pagta-transition ng mga kaibigan niyang sina Ai-Ai delas Alas at Eugene Domingo.

Balik-Booba ang acting niyang "Todo Na 'To" sa entry ni Rufa Mae na Bagyong Bheverlyn, at excited akong panoorin din dahil sa direktor at co-actor niya.

Continue reading below ↓

Kakaibang rom-com na autobiographical tale din ni Bheverlyn Gohetia ito. Naks!

GORGY RULA: Mahirap talaga magpatawa.

Hindi kasi pangmatagalan ang style ng pagpapatawa, depende pa iyan sa direktor.

Kaya kung kakagatin pa itong style na ‘todo na to’ na pagpapatawa ni Rufa Mae, mas okay.

Tingnan natin kung tatanggapin pa rin ito ng mga tao.

Wala naman kailangang patunayan pa si Rufa Mae, e.

Hindi na rin naman isyu sa kanya kung magsu-support na siya ngayon sa mas batang comedienne.

Ang importante, happy siya ngayon sa kanyang married life at sa kanyang anak.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results