Bakit remake ng Hollywood movie ang opening ng Cinema One Originals?

by PEP Troika
Oct 10, 2018

JERRY OLEA: Pam-best actress ang pagganap ni Lady Gaga sa third remake ng A Star Is Born, ang opening film ng Cinema One Originals 2018 filmfest nitong Oktubre 9, Martes ng gabi, sa Dolby Atmos theater ng Gateway Mall, QC.

Palakpakan ang audience sa ending!

Shoo-in na si Lady Gaga sa Golden Globes bilang best actress in a comedy or musical film.

Continue reading below ↓

Sa Oscars, keribels na kabugin niya si Glenn Close (The Wife).

Knock out!

Swak na swak ang mga kanta sa A Star Is Born — nagpapaigting sa istorya, tumutusok sa puso.

Iyong eksenang tinawag ni Jackson Maine (karakter ni Bradley Cooper) si Ally (karakter ni Lady Gaga) para kumanta sa sold-out concert niya... masaganang luha ang lumagaslas sa aking mga mata.

Ang galing-galing din ni Bradley rito bilang aktor at direktor. Ang tindi ng chemistry nila ni Lady Gaga!

Dalawang oras at 15 minuto ang running time ng pelikula.

Medyo bumagal ang second half nito, pero iyong mga huling eksena... kabilang kami sa mga humikbi, impit pero nakakahawa.

NOEL FERRER: Gaano kaiba si Lady Gaga sa mga naunang A Star Is Born lead actresses na sina Janet Gaynor, Judy Garland, Barbra Streisand?

Hindi ko pa napapanood, promise, I will find time!

Congratulations to Cinema One Originals for a successful opening night!

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Bakit po foreign film ang nagbukas ng Cinema One Originals?

Bakit po remake at hindi naman original ang opening film sa Cinema One Originals 2018?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results