Deliberation ng Final 4 ng MMFF 2018, umabot sa sigawan?

GORGY RULA: Mahigit isang oras naantala ang announcement ng huling apat na pelikulang nakapasok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 na ginanap sa Club Filipino kahapon, October 9.

Ang unang imbitasyon ay alas-dos ng hapon, pero inurong ito sa alas-kuwartro dahil sa nagkaroon pa ng mahabang deliberation.

Pasado alas-singko na ng hapon nagsimula ang announcement.

Masasagot kaya ito, Sir Noel Ferrer na bahagi ng MMFF Executive Committee kung ano talaga ang totoong nangyari sa deliberation?

Nagkaroon po ba ng mahabang pagtatalo kung alin sa pelikulang Otlum ni Direk Joven Tan at Alpha: The Right To Kill ni Direk Brillante Mendoza ang dapat ipasok sa Magic 8 ng MMFF 2018?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Joven Tan and Brillante Mendoza
 IMAGE Noel Orsal

Totoo po bang umabot sa sigawan ang pagtatalong iyon?

Sino po si Jojo Garcia na napag-uusapang nagsisigaw diumano sa deliberation? Bakit po siya nagsisigaw?

Pati po ba ang chairman ng Selection Committee na si Ginoong Bienvenido Lumbera ay nakatikim ng sigaw ni Jojo Garcia?

Hindi naman maiwasan kung umabot sa pataasan ng boses, pero kung nandoon ang iginagalang na Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas, kailangan pa po bang may magsisigaw sa mainit na balitaktakan?

JERRY OLEA: Nagwagi ang Alpha: The Right to Kill (starring Allen Dizon, Baron Geisler & Elijah Filamor) ng Special Jury Prize sa 66th San Sebastian International Film Festival sa Spain.

Naimbitahin din ito sa 23rd Busan International Film Festival, kabilang ang 18 iba pang Pinoy films.

Hindi kasalanan ni Direk Joven Tan na pasok sa banga ng MMFF 2018 ang pelikula niyang Otlum.

Maliit na produksyon lang sila. Underdog.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close