Diego Loyzaga, hindi naging isyu ang pagiging totoong bastardo sa pagtanggap sa Los Bastardos

by PEP Troika
Oct 10, 2018

JERRY OLEA: Nang mainterbyu namin si Teresa Loyzaga sa mediacon ng Kapuso teleseryeng My Special Tatay, ibinalita niyang magbibida na ang anak niyang si Diego Loyzaga sa isang Kapamilya show kung saan lulutang ang kaseksihan nito at husay sa pag-arte.

After a few days, nabalitang isa si Diego sa mga bida sa PHR Presents Los Bastardos, na nagkaroon ng mediacon ngayong October 10, Miyerkules ng tanghali, sa Dolphy Theater.

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Orsal

Nagkaroon ba ng hesitation or qualms si Diego na gumanap bilang bastardo?

Titulo pa lang, ayan at ipinagbabanduhan na ang pagiging anak sa labas ng mga pangunahing tauhan...

“Hindi. I accepted. There’s nothing wrong with it,” kaswal na sambit ng aktor.

“Walang problema sa akin iyong titulo. Dahil ba sa bastardo ako? What’s the problem there? There’s no problem there.

“Tulad na nga ng sinabi natin, kaya nga nabuo ang istoryang ito, the reality, dude, is there really is a lot of people who are bastards out there. Who go through these walks in life na kailangang pagdaanan ang mga ganito...”

Palakpakan ang Los Bastardos co-stars ni Diego na sina Joshua Colet, Jake Cuenca, at Albie Casiño habang matamang nakikinig si Marco Gumabao.

Pumalakpak din ang bloggers at showbiz press, at meron pang napa-wow.

Sabi pa ni Diego, “It’s not about the women this time. It’s about the guys, the struggles.... what guys go through from different walks of life.

Continue reading below ↓

“So, what’s wrong with it? Nothing.

“For me, it’s good. I’m happy na ako yung isang napili to be one of the bastards.

"The show... my walk of life, being a bastard.

“I’m happy to be here.”

Muli, nagpalakpakan ang iba pang ‘bastardo,’ kabilang na si Marco.

NOEL FERRER: Wala namang problema sa pagiging bastardo, hindi naman talaga kasalanan ni Diego kung ganun siya.

Ang interesanteng tanong: kanino niya namana ang kakayahan niyang umarte—sa tatay ba niyang si Buboy (Cesar Montano) o sa nanay niyang si Tong (Teresa Loyzaga)?

GORGY RULA: Ito na nga ang sinasabi ni Teresa na magandang proyektong dapat abangan kay Diego.

Lalaban din si Diego sa paseksihan sa hunk co-actors niya.

Masaya lang si Teresa na pareho na silang busy, dahil nasa Kapuso drama serie na My Special Tatay naman ang aktres.

Kahit bihira silang nagkikita sa bahay, meron talaga inilalaang isang araw ang mag-ina para mag-dinner sa labas at mag-bonding.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results