'Sarap' sa Kapuso Network, tuluy-tuloy with or without Regine Velasquez

by PEP Troika
Oct 10, 2018

GORGY RULA: Napag-alaman ng PEP Troika na magsisimula nang mag-taping ang bagong season ng Sarap Diva, na ginawa nang Sarap Di Ba?.

Bukas, October 11, ang first taping kung saan hindi na nga si Regine Velasquez ang host kundi si Carmina Villarroel na.

 IMAGE Noel Orsal

Kasama pa ni Mina rito ang kambal niyang sina Mavy at Cassy.

Continue reading below ↓

Bagong bihis ito at kakaibang konsepto na swak sa bagong host.

Hudyat na nga itong paglisan ni Regine sa GMA-7. Pero wala pa rin silang pahayag kaugnay dito.

Abangan na lang natin ang bagong Sarap Di Ba? at kung kailan ipakikilalang bagong Kapamilya si Regine.

JERRY OLEA: Tuluy-tuloy ang ‘Sarap’ sa Kapuso Network with or without Regine Velasquez.

Aabangan din natin kung sino naman ang maghu-host sa 2nd season ng The Clash.

NOEL FERRER: Inaabangan din kung tuloy ang concert tour ng Asia's Songbird sa ibang bansa na hindi natuloy last week.

Umaasa ang mga tagahanga nila ni Ogie sa U.S. na matuloy sila. Teka, bakit nga ba hindi sila natuloy?

Oh well, sabi nga, tuloy ang buhay sa shows man sa GMA-7 o kay Regjne.

Aabangan natin ang mga next move ng magkabilang panig.

Sana sa huli, ang audience ang magwawagi!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results