Tony Labrusca, mas malaki pa ang talent fee ngayon sa mga miyembro ng BoybandPH

by PEP Troika
Oct 11, 2018

JERRY OLEA: Intense ang aktingan nina Tony Labrusca at Joem Bascon sa Double Twisting Double Back, isa sa siyam na competing entries ng Cinema One Originals filmfest (Oktubre 12-21).

joem bascon tony labrusca
 IMAGE Noel Orsal

“Happy naman. I’m very happy with Tony,” sambit ni Joem nang matsika namin sa opening night ng C1 Originals noong Oktubre 9, Martes, sa Gateway Mall, QC.

Continue reading below ↓

“Sobrang bait niya. Siya yung gumagawa ng lahat ng stunts...

"Paano ko ba sasabihin? Ahhh, natutuwa ako sa kanya, kasi very open siya.

"Nakikipag-collaborate siya with the director, the producer, with everyone. So, yun. Nakikinig siya.

“Maraming mararating yung batang yun. He’s good. Happy ako.”

Kaya ba niyang magpalit sila ng role ni Tony?

“Ha?! Kailangan ko sigurong pag-aralan ng one whole year yun!” natatawang pakli ng aktor.

“Parang since bata pa lang si Tony, nagta-try na siyang mag-gymnastics.

“Nagta-try na siyang tumambling, umikot, gawin ang mga routines. Mahirap talaga yung role na napunta sa kanya.”

GORGY RULA: Kahit talunan si Tony Labrusca sa BoybandPH, mas mataas pa ang talent fee niya ngayon kesa sa mga miyembro ng naturang grupo.

Lima ang miyembro ng BoybandPH na ang talent fee sa mga raket ay halos pantayan na ng talent fee ni Tony na mag-isa lamang.

Continue reading below ↓

Nung natalo nga siya sa naturang pakontes, marami pa rin ang humuhulang mas magka-career siya sa mga nanalong miyembro ng BoybandPH.

Tumpak naman!

NOEL FERRER: Noong una kong napanood ang trailer ng pelikula nila, sabi ko, ang ganda ng bromance angle dahil pareho silang yummy.

Pero aabangan ang pelikula dahil sa kakaibang twist nito, lalo pa’t tungkol ito sa isang gymnast.

Exciting!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results