Box-office report: Wild and Free at Liway, mahina ang first-day gross

NOEL FERRER: Nakakapanghina ang first-day gross ng dalawang pelikulang nagbukas kahapon, October 10: ang Wild and Free nina Sanya Lopez at Derrick Monasterio at ang Cinemalaya topgrosser na Liway ni Glaiza de Castro.

Hindi man lang sumampa sa one-million mark ang dalawang pelikula sa kanilang first-day showing.

Kahit Rated B (Wild & Free) and Rated A (Liway) ang mga pelikula nila, sana ay ma-appreciate ng audience ang palabas na pelikulang Pinoy.

Of course, ibang story naman ang entries ng Cinema One Originals film festival.

JERRY OLEA: Topgrosser sa 14th Cinemalaya filmfest ang Liway ni Glaiza de Castro noong Agosto.

Siyam na sinehan lang naman ang pinagpalabasan noon—apat sa CCP, lima outside.

Sa pananaw ko ay hindi siya commercially appealing pag ipinalabas na sa mas maraming sinehan.

Ang bidang lalaki sa Wild and Free na si Derrick Monasterio, leading man ni Barbie Forteza sa Almost A Love Story na agad na-pull out sa mga sinehan noong Abril.

Si Sanya Lopez na isa raw certified virgin, wala pang napatunayan.

R-13 ang movie. E, sa Netflix, walang keber ang mga artista sa hubaran at lampungan.

Andali ring makapanood ng mga mapusok o mapangahas na pelikula sa internet.

At pakiwari ko, inaabangan ng mga tao ang First Love nina Aga Muhlach at Bea Alonzo na sa Oktubre 17 ipalalabas.

GORGY RULA: Kaya ang style ng ilang producers, lalo na ang Regal Multimedia ni Mother Lily, tipirin ang budget ng isang pelikula.

Kung di pa naman kasikatan ang bidang artista, huwag gastusan nang bonggang-bongga. Para madaling mabawi.

Kahit hindi man umabot ng isang milyon ang first-day earnings ng isang Regal movie, happy pa rin si Mother Lily dahil may TV at video rights pa na puwede mo nang mabawi ang puhunan.

At least, naging bida na sina Sanya at Derrick! Tumaas ang market value!

Kung sikat ang artistang bida, gaya ng mga ginagawa ng Star Cinema, mag-shoot sa ibang bansa para may bagong napapanood dahil karamihan naman ay gasgas na ang kuwento, pero epek pa rin sa audience dahil may bagong lugar na napapanood.

Katatapos lang ng Tres ng Revilla brothers at hindi naman umaasa ang pamilya Revilla ng Imus Productions na mag-hit ito nang husto.

Ang mahalaga ay naipakilala raw nila sa publiko ang mga susubok sa action film na sina Jolo, Bryan, at Luigi Revilla.

Na-achieve naman daw nila yun kaya masaya na sila dun.

Tiyak na gagawa pa uli ng kasunod na project ang Imus na pagbibidahan ng isa sa kanila, dahil gusto raw talaga nilang ibalik ang action sa pelikulang Pilipino.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN