Alden Richards, aminadong hirap ang Victor Magtanggol sa Ang Probinsyano

by PEP Troika
Oct 11, 2018

GORGY RULA: Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng bida ng Victor Magtanggol na si Alden Richards ang Christmas vacation nila sa Amerika.

Dapat ay sa London, England sila magpa-Pasko pero nabago ang plano dahil nandun na pala sa San Francisco, California ang lola ni Alden na may anak doon.

Continue reading below ↓
 IMAGE Gorgy Rula

“Naiba po kasi… yung lola ko po nag-react nung London, kasi sa US po siya ngayon. Parang… hindi na po niya yata kaya.

“So, ang gagawin po namin, susunod po kami dun lahat. Para hindi na po muna siya uuwi," kuwento ni Alden nang dinalaw namin sa set ng Victor Magtanggol sa Sta. Ana, Manila kahapon, October 10.

Sampung araw raw silang magbabakasyon doon, dahil iyon lang ang naipaalam niya sa GMA-7.

Wala pang exact date ang alis, pero bago raw mag-Pasko dapat ay nasa Amerika na sila dahil kailangan niyang bumalik ng bansa para sa New Year Countdown ng GMA-7.

“Magnu-New Year Countdown pa po ako dito, e. Panata na po natin yung Countdown, e," sabi pa ni Alden.

Hindi pa alam ni Alden kung hanggang kailan ang Victor Magtanggol, pero umaasa raw siyang matuloy na ang pelikulang pagsasamahan nila ni Maine Mendoza.

“Parang ngayon po, parang tapusin pa po muna nina Mr. T [Tony Tuviera] at Bossing [Vic Sotto] yung MMFF, 'tapos malaman po natin kung ano po yung next plan para sa amin.

Continue reading below ↓

“May nakabingit pa pong project sa amin ni Maine, e,” saad ni Alden.

JERRY OLEA: At least, andiyan pa rin ang Victor Magtanggol kahit namamayagpag ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Andaming artista ang gustong lumabas sa teleserye ni Coco Martin, lalo na yung mga kakandidato o La Ocean Deep na nangangarap ma-resurrect ang career.

Wish ko lang na mag-guest si Maine Mendoza sa Ang Probinsyano alang-alang sa promo ng MMFF 2018 entry nila nina Coco at Vic Sotto na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Kaabang-abang iyon!

NOEL FERRER: Medyo on an upswing ngayon ang Probinsyano, with them getting their all-time-high ratings.

Kaya kailangan talagang mag-doble ng effort ang Victor Magtanggol para maipagtanggol nito ang kanyang lakas, lalo pa’t ito ang may hawak ng bandera o gatekeeper ng kanyang mga primetime teleserye.

Mula na mismo sa kanilang GMA Survey Research, down ang kanilang mga teleserye kahit na ang nag-pilot na Pamilya  Roces noong October 8, Lunes:

Continue reading below ↓

VICTOR MAGTANGGOL 9.5 PROBINSYANO 15.9

ONANAY 10.1 NGAYON AT KAILANMAN 11.5

PAMILYA ROCES 7.4  HALIK 7.9

Naalala ko nga pala, ano na ang nangyari sa pag-guest ng mga Sang'gre sa Victor Magtanggol?

Nakatulong ba ito? Tapos na ba ito?

GORGY RULA: Alam ko tapos na ang guesting ng mga Sang’gre sa Victor Magtanggol, pero may usap-usapang baka bumalik si Kylie Padilla.

May mga ibang karakter pa raw na madadagdag sa telefantasyang ito ni Alden.

Aminado naman ang Pambandang Bae na hirap silang lumaban sa teleserye ni Coco, pero hindi na lang daw nila iniisip iyan.

Ang mahalaga, marami pa raw silang napapasaya sa Victor Magtanggol, lalo na ang mga kabataan.

“Ako po, personally, I don’t really mind, kasi yung feedback po and reactions that we got from the audience, especially ang mga bata, yun po yung drive namin to be more passionate about our work.

“Kasi, yung mga aspeto po na yun, especially ratings, hindi na po namin control yun, e.

Continue reading below ↓

“Ang tanging magagawa lang po namin, maipagpatuloy ang istorya at saka mapagpatuloy lang po ang magandang kalidad ng Victor Magtanggol,” seryosong pahayag ni Alden.

Sa ngayon ay hindi pa alam ng buong cast ng Victor Magtanggol kung kailan sila matatapos.

Baka raw umabot pa sila hanggang 2019.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results