Julie Anne San Jose, tahimik na nagluluksa para sa ama ni Benjamin Alves

GORGY RULA: Nasa Amerika si Julie Anne San Jose nang nakarating sa kanya ang malungkot na balitang pumanaw ang ama ni Benjamin Alves na si Ebet Sapida.

Kaagad na lumipad pa-Guam si Benjamin, na nagluluksa sa maagang pagpanaw ng kanyang ama.

IMAGE Instagram photo of Benjamin Alves

Hindi pa namin nahingan ng pahayag si Julie Anne na kararating lang kagabi, October 10, mula sa successful show nilang Kapusong Pinoy sa Los Angeles, California.

Kasama niya sina Ai-Ai delas Alas, Christian Bautista, Super Tekla, Donita Nose, at Marian Rivera.

Tahimik lang ang pagluluksa ng Kapuso singer-actress.

“She wants to grieve in private po,” text sa akin ng handler ni Julie Anne, dahil naging malapit na raw rito ang ama ni Benjamin.

Hihintayin na lang daw ni Julie Anne ang pagbalik sa Pilipinas ni Benjamin sa Lunes, October 15, dahil mayroon pa siyang kailangang tapusing taping para sa daytime series na Kapag Nahati ang Puso.

Pagkatapos ng taping ng Kapuso actor ay babalik siya uli ng Guam para magkaroon ng sapat na panahong makasama ang kanyang pamilya.

Malabong makasama si Julie Anne dahil may mga gagawin siya, lalo na’t magsisimula na sa Linggo, October 14, ang bagong musical show nilang Studio 7.

NOEL FERRER: Nakikiramay tayo sa pagkamatay ng ama ni Benjamin Alves.

Sana malampasan ito ng kanilang pamilya at mga mahal sa buhay.

Teka, hindi ba magkamag-anak sina Piolo Pascual at Banjamin Alves? Sa ama kaya?

Kung anupaman, our condolences.

Condolences din sa mga naiwan ng direktor ng box-office hit movies ng TVJ na si Mike Relon-Makiling, na pumanaw dahil sa colon cancer ngayong araw, October 11.

Our prayers also go to the family of Direk Adolf Alix, na ang kanilang ama ay namatay kahapon, October 10, pati rin sa pamilya ni Tito Nestor Cuartero na namatayan naman ng kapatid.

Tanggapin niyo po ang aming taus-pusong pakikiramay.

JERRY OLEA: Nagpasalamat ang pamilya ni Direk Adolf Alix sa mga nakisimpatiya sa kanila.

Post ni Direk Adolf sa Facebook nitong Oktubre 11, Huwebes ng umaga, “It was my father’s wish to be cremated immediately after his death. We respect his desire so the ceremony will be this late afternoon with his family.

“Viewing will start this late evening, 11PM, October 11 until Sunday afternoon, October 14 at: Chapel B of Arlington Memorial Chapels 12 G. Araneta Avenue, Quezon City.”

Taus-puso po kaming nakikiramay.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN