Janine Gutierrez, maid of honor sa kasal ng ina na si Lotlot de Leon

GORGY RULA: Parang hindi makapaniwala si Janine Gutierrez na siya ang Maid of Honor sa nalalapit na kasal ng ina niyang si Lotlot de Leon.

IMAGE Gorgy Rula

Nakatakda ang kasal ni Lotlot sa kanyang Lebanese boyfriend Fadi El Soury sa December.

Garden wedding daw iyon sa Batangas, at si Janine nga ang Maid of Honor.

“Akalain mo yun? Maid of Honor?” bulalas ni Janine nang nakatsikahan namin sa taping ng Victor Magtanggol kahapon, October 10.

Ang isa pang ikinatuwa ni Janine, suportado sila ng papa niyang si Monching Gutierrez.

“Actually, nung nagpa-fitting kaming magkakapatid, siya yung naghatid sa amin. Nandun siya,” pakli niya.

Nakakatuwa lang daw na okay naman sina Lotlot at Monching.

Kahit nandiyan daw ang boyfriend ng mama niya, dumadating din si Monching sa mga importanteng selebrasyon nila.

Masayang kuwento ni Janine, “Very lucky nga po kami dahil kahit na hiwalay sila, nakakapagsama kami.

“Nung una, medyo worried kami na dahil may boyfriend na si Mama, baka hindi na kami mag-Christmas together, mag-New Year together.

"Pero recently, magkakasama kaming lahat sa graduation ni Diego, ang brother ko.

“Suwerte kami na pinagbibigyan kami sa mga ganung okasyon.”

Natutuwa pa raw siyang kinukunan ng litrato na kasama ni Lotlot ang boyfriend niya, nandiyan din si Monching. Ang saya lang, di ba?

NOEL FERRER: Excited ako sa kasal ni Lotlot dahil magandang mensahe ito na puwedeng may second chance at love na nagtatagumpay.

Kung hindi man nakadalo si Ate Guy (Nora Aunor) sa wedding ni Ian de Leon, sana makapunta naman siya ngayon sa kasal nj Lotlot.

JERRY OLEA: Kung tama ang pagkatanda ko, na-late noon si Nora sa kasal nina Lotlot at Monching.

Nawa’y sa pagkakataong ito, magkasama na sina Nora at Christopher de Leon sa paghahatid kay Lotlot sa altar!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN