Cinema One Originals, angat sa ibang indie filmfests dahil sa ABS-CBN

by PEP Troika
Oct 12, 2018

JERRY OLEA: Back-to-back noong Agosto ang indie filmfests na 14th Cinemalaya at ang 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino.

Sampu ang competing entries ng 14th Cinemalaya (Agosto 3-12) na ipinalabas sa siyam na sinehan.

Apat ang venues nito sa “tahanan” (CCP), at may lima pa outside.

Walo ang kalahok sa 2nd PPP (Agosto 15-21) na ipinalabas nationwide.

Agosto 22 umariba ang Crazy Rich Asians at Miss Granny, at Agosto 29 umarangkada ang The Hows of Us.

Ngayong Oktubre, back-to-back din ang indie filmfests na 14th Cinema One Originals at 6th QCinema.

Siyam ang competing entries ng C1 Originals 2018 (Oktubre 12-21) na ipapalabas sa 14 na sinehan.

Ang mga pelikula na nasa ilalim ng temang I Am Original — A Short History Of A Few Bad Things, Asuang, Bagyong Bheverlynn, Double Twisting Double Back, Hospicio, “Mamu; and a Mother too,” Never Tear Us Apart, Paglisan, at Pang MMK.

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Orsal

Ipalalabas ang mga ito sa TriNoma, Glorietta, Gateway, Santolan Town Plaza, Powerplant, SM North Edsa, SM Megamall, SM Manila, SM Sta. Mesa, FDCP Cinematheque Manila, U PCine Adarna, Cinema ’76, Black Maria Theater, at Cinema Centenario.

Mabibili ang ticket sa halagang P200 bawat isa para sa major at alternative cinemas, P150 para sa mga estudyante at SM CineLokal theaters, at P100 sa FDCP Cinematheque Manila.

Bisitahin ang ktx.abs-cbn.com para bumili ng festival passes.

Lima ang competing entries ng QCinema (Oktubre 21-30) na ipapalabas sa walong sinehan.

Ang limang kalahok sa Circle competition ay Billie & Emma, Dog Days, Hintayan ng Langit, Masla A Papanok, at Oda sa Wala.

Itatanghal ang mga ito sa Gateway Mall, Robinsons Galleria, SM City North EDSA, SM Megamall, SM Manila, SM Mall of Asia, Trinoma, at UP Town Center.

Oktubre 17 ipapalabas sa mga sinehan ang First Love nina Aga Muhlach at Bea Alonzo.

Continue reading below ↓

Looking forward na rin ang moviegoers sa 44th Metro Manila Film Festival sa Disyembre.

NOEL FERRER: Masigasig ang directors ng mga lahok na pelikula sa Cinema One Originals Film Festival na mag-promote.

Ang advantage naman ng Cinema One Originals ay meron silang ABS-CBN promo platforms, hindi katulad ng ibang local film festivals na kanya-kanyang diskarte sila sa pagpu-promote ng pelikula.

Napag-alaman namin na pati sa pag-boost ng social media posts ay ginastusan din daw ng Cinema One.

Sana ganun din ang mangyari o higit pa sa ibang mga pelikula ng mga festivals, di ba?

GORGY RULA: True kayo! May edge itong Cinema One Originals dahil sa ABS-CBN. Pero sana magaganda ang entries.

Nung nakaraang taon kasi, mangilan-ngilan lang ang maganda. Kaya mataas ang expectations namin sa mga kalahok dito ngayong taon.

Pagkatapos kasing mag-announce ng entries sa MMFF, eto na ang tinututukan ngayon, lalo na't may naglalabasan pang isyu.

Continue reading below ↓

Malamang Urian at ang bagong FAMAS ang makakapansin ng ilang entries ng Cinema One Originals na iyan!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results