Kauna-unahang Pinoy Playlist music fest, maganda ang feedback

by PEP Troika
Oct 12, 2018

JERRY OLEA: Unang gabi pa lang ng Pinoy Playlist 2018 sa BGC Arts Center (26th St corner 9th Av, BGC, Taguig City), na-overwhelm na ako sa ganda at dami ng OPM — “Ito ay atin! Sariling atin!”

Mahigit 20 minutong na-late ng pag-uumpisa ang rapper na si Shanti Dope nitong Oktubre 11, Huwebes, sa Globe Auditorium.

Pag-akyat ko sa itaas (Zobel de Ayala Recital Hall) para silipin ang UP Tugma, last song na nila ito.

Pagbalik ko sa Globe Auditorium, tinawag na ni Shanti Dope si Gloc-9 para sa kanilang collaboration.

Continue reading below ↓
Shanti Dope and Gloc-9
 IMAGE Jerry Olea

Segue na iyon sa concert ni Gloc-9. Wala nang intermission. Maaga siyang nagsimula, kaya maaga ring nakatapos.

Sabi ni Gloc 9, “Hindi po kami sanay kumanta nang aircon kaya inom ako nang inom ng tubig.”

Kabilang sa mga kinanta niya ang "Sirena." Pam-finale niya ang "Kaleidoscope World" bilang pagpupugay kay FrancisM.

Nakasilip ako kay Gio Levy (OK naman siya) sa Zobel de Ayala Recital Hall, at naabutan ko ang last three songs ng Imago sa Sun Life Ampitheater sa labas.

Sa ending ng set nila, pa-selfie pa ang Imago sa audience na naka-Peace sign.

Continue reading below ↓
Imago
 IMAGE Jerry Olea

Limang concert na agad iyan sa loob ng dalawang oras (6:00-8:00 PM). Hindi kinaya ng aking katawang lupa ang Wishfuls na buena mano sa Sun Life Ampitheater.

Eksaktong 8:00 p.m. nagsimula ang a capella group na Pinopela. Nasa audience si Boboy Garrovillo.

Second song ng Pinopela ang "Batang-bata Ka Pa." Palakpakan ang audience nang i-acknowledge ng Pinopela si Boboy.

Kinanta rin ng Pinopela sa unang pagkakataon ang "Sirena." May kodigo sila ng lyrics.

Continue reading below ↓
Pinopela
 IMAGE Jerry Olea

Hindi tinapos ni Boboy ang show ng Pinopela, dahil ang next set sa Globe Auditorium ay sila ni Jim Paredes.

Kabilang sa repertoire nila ang "Batang-bata Ka Pa," na isinulat ni Jim 39 years ago.

Kuwento ni Jim, kalung-kalong niya ang sanggol na anak nang maisip niya ang lyrics.

Nang ibaba niya ang sanggol, diretso siya sa piano at sa loob ng 30 minuto ay nabuo ang kanta.

Continue reading below ↓
Boboy Garovillo and Jim Paredes
 IMAGE Jerry Olea

10:00 PM, pinanood ko ang grupong Naliyagan (na vocalist si Bayang Barrios) sa Zobel de Ayala Recital Hall.

Bigay na bigay si Bayang sa kanyang pag-awit, lalo na sa Ako’y Isang Pinoy at Handog.

Keber kung na-mental block siya sa isang awit!

Sa galing ni Bayang, para akong na-mesmerize. Hindi ako nakaalis para silipin si Noel Cabangon sa Globe Auditorium.

Continue reading below ↓
Bayang Barrios
 IMAGE Jerry Olea

Pagsapit ng 11:00 PM, nakinig muna ako sa dalawang kanta ni Paolo Sandejas sa Zobel de Ayala Recital Hall, bago nag-enjoy sa “kakaibang gig” ng Itchyworms sa Globe Auditorium.

Itchyworms
 IMAGE Jerry Olea

Wala nang performance sa Sun Life Ampitheater pagsapit ng 11:00 PM.

Kabilang sa mga performances sa 2nd night ng Pinoy Playlist 2018 ngayong Oktubre 12, Biyernes:

Continue reading below ↓

OPM Spotlight, Joshua Feliciano, at VIIXI (6:00 PM)

Papuri & Arnel de Pano, Arman Ferrer, at Banda ni Kleggy (7:00 PM)

Papuri & Arnel de Pano, Lara Maigue, at Moonstars (8:00 PM)

Neocolours, Jimi Marquez, at Davey Langit (9:00 PM)

Nyoy Volante, Rica Arambulo, at 6Cyclemind (10:00 PM)

Ben & Ben, at Hazel Faith & Melbilline (11:00 PM)

GORGY RULA: First year pa lang, maganda na ang reception at feedback sa Pinoy Playlist.

Inaasahang magkaroon din ng partisipasyon dito ang mga namamayagpag sa concert scene, gaya nina Regine Velasquez, Lani Misalucha, Martin Nievera, Gary V, at marami pa.

Puwede rin po ba sumali rito, Sir Noel, ang ibang artists na walang karapatang kumanta pero naghi-hit ang mga concert?

Sana may puwang din dito ang mga baguhan pero magagaling talaga, gaya ng mga finalist sa "Tawag ng Tanghalan" at The Clash.

NOEL FERRER: Sa mga panahong matindi ang pagkakahati-hati ng mga tao, nagagawa ng musikang mapagsama-sama tayong lahat.

Continue reading below ↓

Malaki ang pasalamat namin sa lahat ng mga kaibigan sa industriya na sumali sa Pinoy Playlist—mula folk, rock, R&B, jazz, electronic, world, pop, gospel.

Inimbitahan lahat at siguro wait-an-see ang naging attitude ng ibang managers, recording labels, at established artists. Bago pa rin kasi.

May nagsabi sa amin na ganito rin noong nagsimula ang Cinemalaya noon. Mabibilang lang ang mga taong. sumasali.

Pero nang masubukan na at naipakitang puwedeng mag-work nang sama-sama, at mas malakas ang impact, heto at nagdagsaan na ang pagsuporta ng kahit na A-listers at iba pang emerging at dominant acts.

In fairness, the senior and established performers endorsed the festival in their own way.

But yes, we want to see more of them next year, even the network talent searches winners and finalists.

May mga management companies na yung mga second or third-tier performers ang ibinigay.

Pero sa susunod, sana makita nila na magandang venue ito para magkaisa.

Continue reading below ↓

For the schedule of the remaining performances, you can log on to: www.bgcartscenter.org/pinoyplaylist.

Next year, while we would really encourage collabs.

Mabuhay ang Musikang Pilipino!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results