Revilla family, itinangging may hidwaan sina Lani Mercado at Strike Revilla

GORGY RULA: Nag-file na ng Certificate of Candidacy si Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla sa Comelec Bacoor ngayong Biyernes ng umaga, October 12.

IMAGE Noche Cacas of DZRH

Doon ay nilinaw na rin ni Lani na wala silang hidwaan ng brother-in-law niyang si Congressman Strike Revilla.

Nagkaroon kasi ng konting gulo kahapon, October 11, nang sumugod ang ilang mga taga-Cavite at nag-rally sa tapat ng bahay ni dating Senador Ramon Revilla Sr. sa Imus.

Kinukumbinsi nilang tumakbo raw si Strike sa pagka-mayor ng Bacoor at kalabanin si Lani.

Nagulat ang pamilya Revilla dahil wala raw isyu sa kanilang pamilya.

“Nagkakaisa ang Revilla family. Hindi mangyayari sa amin na maglalaban-laban ang aming pamilya.

"Imposibleng mangyari yun," bulalas ng elder sister nilang si Rowena Bautista-Mendiola, na konsehal din sa Bacoor.

Nagsalita na rin si Vice Governor Jolo Revilla na solid ang buong pamilya Revilla at nagsusuportahan sila.

Pahayag niya, “Nagulat nga kami na may mga ganun, dahil magkakasama pa kami last night at napagkasunduan na my mom is still for reelection for mayor sa Bacoor. Nandiyan po ang suporta ng buong pamilya.”

Panggugulo lang daw ang pagpapunta ng mga tao sa tapat ng bahay nila.

Nalaman nilang kalaban daw ni Mayor Lani ang nagpapunta roon para malito ang mga tao.

IMAGE Noche Cacas of DZRH

NOEL FERRER: Ibahin naman ang mga Revilla sa nangyayari sa mga Binay at maging ang mga Villafuerte, kung saan ang mga magkakadugo at magkakapamilya ay naglalaban-laban.

Grabe ang epekto talaga ang politika - at hindi pa man nag uumpisa ang kampanya, ay napakainit na.

Baka nga dapat ituring na hotspot ang Makati at CamSur (Bicol)? E, ang Cavite, masalimuot pa rin ba?

JERRY OLEA: Isa para sa lahat, lahat para sa isa ang mga Revilla/Bautista.

Nagbibigayan, nagtutulungan, nagsusuportahan.

Teka! Tuloy ba ang pag-file ni Bong Revilla ng COC?

Saan, kailan at paano?

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN