Ejay Falcon, willing mag-audition para mapasama ulit sa isang K-drama

by PEP Troika
Oct 12, 2018

GORGY RULA: Pinutakti ng pagbati si Ejay Falcon sa kanyang Facebook account dahil sa magaling niyang performance sa Korean drama na Where Stars Land.

 IMAGE Screen grab from SBS

May status si Ejay sa kanyang Instagram account na nagpapasalamat na naging bahagi siya sa isang K-drama na kinunan sa Korea tampok ang mga kilalang Korean actors na sina Lee Ji Hoon at Che Soo Bin.

Continue reading below ↓

Proud si Ejay na ipinost sa kanyang Instagram ang mga mabibigat niyang eksena, kasama ang mga nabanggit na Korean actors at ang kapwa niya Pinoy na si Lauren Young.

Sabi ng Kapamilya actor, “Never ko naisip na magiging parte ako ng isang Korean drama kasama ang sikat na Korean stars.

“Thank you sa lahat ng positive comments nyo at thank you sa mga tao na tumulong para mangyari to.

"Hindi ko makakalimutan ang experience na to at masaya ako na kahit papaano ay nadala namin ni Lauren ang ating bansa sa international TV.

“Thank you Lord sa napakagandang opportunity na ito.”

View this post on Instagram

Part8 Thank you�???�??�

A post shared by FALCON (@ejaythefalcon) on

Dito nagdagsaan ang mga pagbati mula sa mga kaibigang artista na nakatrabaho niya.

Sabi ni Coco Martin: “Super proud ako sayo Tol sobra!!!”

Ilan pa sa mga bumati sa kanya ay sina Lorna Tolentino, Vina Morales, Vhong Navarro, Jessy Mendiola, Joross Gamboa, at marami pa.

Hindi pa alam ni Ejay kung mapapanood dito sa atin ang Where Stars Land.

Continue reading below ↓

Pero nangako raw ang direktor nito na si Shin Woo-cheol (direktor din ng Lovers in Paris) na pupuntahan siya sa Pilipinas pagkatapos maipalabas ang naturang Korean drama.

“Malaking ano talaga sa atin ito as an actor, kasi ang dami kong natutunan na puwede kong gagawin ko dito sa Pilipinas,” pahayag ni Ejay.

Kaya kung mabibigyan daw siya ng isa pang pagkakataong mapasali uli sa isang K-drama, isa raw siya sa pipila sa audition.

"Kung kailangan mag-audition, mag-o-audition ako," pakli ni Ejay.

NOEL FERRER: Mabuti naman kung ganun na kinikilala ang husay ni Ejay sa pagganap sa ibang bansa.

Kailan naman kaya siya makakatanggap ng ganung recognition sa ating bansa?

Iba rin naman kasi kung galing mismo ang validation mo sa ating mga kababayan, di ba?

Sana soon!

JERRY OLEA: Ayokong basta humusga kung hindi ko pa napapanood.

Sana nga, ang husay ni Ejay ay tunay at hindi eklay.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results