Alden Richards, pahinga muna sa pagku-concert

by PEP Troika
Oct 13, 2018

GORGY RULA: Pagkatapos ng successful concert ni Alden na Adrenaline Rush sa Kia Theater noong September 21, nagdesisyon ang Kapuso actor na hindi na muna siya magku-concert.

 IMAGE Noel Orsal

Sabi niya, “Sa ngayon po, after po nung experience nung huling concert na anim na araw lang po yung preparation ko from scratch, 'tapos nagti-taping pa ako sa six days na yun, medyo pahinga po muna ako.

Continue reading below ↓

“Mahirap po siya… nabitin po ako sa prep.

“So, ang balak ko po, yung sunod ko na concert is yung 10th year anniversary ko po sa showbiz.”

Nasa pang-walong taon pa lamang ngayon si Alden, kaya two years from now pa siya uling mag-concert.

Parang agree naman ang bida ng Victor Magtanggol sa sinasabi natin ka-Troika na isantabi muna ang pagkanta at pagsasayaw sa concert dahil nag-aaksyon siya sa kanyang telefantasya.

Nag-e-enjoy naman daw siya sa ginagawa niya ngayon sa Victor Magtanggol dahil ang dami na raw niyang natutunang stunts na talagang siya ang gumagawa.

Kinakarir niya talaga ang action scenes niya na minsan nire-rehearse pa niya ilang araw bago i-tape ang eksenang iyon.

“Yun pa kasi ang nakakadagdag sa achievements ko bilang Victor Magtanggol, e. Hindi lang yung bilang aktor.

“At least dito po, dito ko nagagawa ang mga hindi ko nagagawa dati sa soap ko. Espesyal po 'to, kasi action,” saad ni Alden nang nakatsikahan namin sa set ng naturang telefantasya.

Continue reading below ↓

Proud nga siyang kinukuwento sa aming halos lahat ng mga ginagawa niyang action scenes ay hindi siya kumukuha ng double.

“Normally naman po tinatanong ko si Direk [Dominic Zapata] o kaya yung EP namin, si Ms. Mona, na kung puwede ako na lang gumawa ng lahat na stunts as much as kaya.

"As much as possible po, ako po lahat," dagdag niyang pahayag.

Sa mga hindi pala nakapanood ng Adrenaline Rush concert ni Alden sa Kia Theater, mapapanood na ito sa SNBO ng GMA-7 bukas ng gabi, October 14.

NOEL FERRER: Laban, Victor Magtanggol!

Kung unique selling proposition lang— sa hitsura, sa bearing, at karisma—mas pang-romantic lead talaga si Alden than maging action star.

If only his brand essence were clearer, his next moves may be more focused and mas may impact!

Try and try... again!

JERRY OLEA: Sana’y malinaw ang career path ni Alden.

Continue reading below ↓

Mag-aksyon siya kung mag-aaksyon, pero hinay-hinay sa pagsi-sing & dance.

Magsolo kung magsosolo. Huwag paasahin ang fans na magtatambal uli sila ni Maine Mendoza sa pelikula kung waley naman.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results