Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Derek Ramsay, magbabalik-Kapuso?

by PEP Troika
Oct 13, 2018

NOEL FERRER: Kung sa wakas ay kumpirmado nang magiging Kapamilya si Regine Velasquez-Alcasid, kung saan magsisimula ang kanyang pagpaparamdam sa Australia show ng ASAP, meron naman kaming nasagap na balita na posibleng maging Kapuso ang isang aktor pagkatapos maging Kapamilya at Kapatid.

Ito ay walang iba kundi si Derek Ramsay.

Continue reading below ↓
 IMAGE Mark Atienza

Iyan lang naman talaga ang kuwento ng buhay—tawid nang tawid sa patutunguhan.

Mas challenging ang kanilang landas na tinatahak dahil hindi napipirmi sa iisang lugar lamang.

May balita ring kinakausap si Lani Misalucha for some projects—for recording sa Star Records at ibang programa ulit sa Kapuso?

Exciting times indeed!

GORGY RULA: Magandang balita rin iyan kung magbabalik-Kapuso si Derek Ramsay.

Noon pa man sinasabing kinakapos ng magagaling na leading men ang GMA-7, kaya welcome addition siya kung matutuloy ito.

Na-text ko na si Jojie Dingcong na manager ni Derek, hindi pa niya ako sinasagot sa tanong namin kung totoo ito.

Pero sana tuloy, dahil siya ang bagay na bagay makasama ni Jennylyn Mercado sa soap na gagawin nito.

Narinig ko na kasi noon pa na may gagawing drama series si Jennylyn na kukunan daw sa Japan, pero wala na akong balita rito.

Hindi kaya hinihintay na nga si Derek?

JERRY OLEA: Palipat-lipat, papalit-palit. Bongga ang pagbabalik-Kapuso ni Derek!

Continue reading below ↓

Tabi-tabi na muna ang mga male starlet at pa-La Ocean Deep sa Siyete!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results