Indie folk pop band Ben & Ben, kinansela ang performance sa Pinoy Playlist

by PEP Troika
Oct 13, 2018

JERRY OLEA: Kinansela ng Ben & Ben ang 11:00-11:45 PM concert nila sa ikalawang gabi ng Pinoy Playlist 2018 nitong Oktubre 12, Biyernes, sa Globe Auditorium, BGC Arts Center.

Noong gabing iyon lang nagpasabi ang Ben & Ben na hindi nila masisipot ang pinirmahang commitment.

Nitong Biyernes, bandang 8:40 PM, matapos ang set ni Lara Maigue sa Zobel de Ayala Recital Hall (BGC Arts Center) ay ini-announce ng DJ na kanselado ang concert ng Ben & Ben.

Sumugod agad ako sa kalapit na Globe Auditorium kung saan patapos na ang concert ng Papuri & Arnel de Pano.

Continue reading below ↓
Ryan Cayabyan and Miguel of Ben & Ben
 IMAGE Courtesy of Pinoy Playlist

Si Maestro Ryan Cayabyab (isa sa tatlong curators ng musicfest) mismo ang nagkaloob sa grupo ng certificate of appreciation, nakipag-selfie, at kapagkuwan ay seryosong nagpahayag:

“I have a very important announcement. Ahhh... doon sa lahat ng fans ng Ben & Ben, I’m sure you know already.

“But we will announce it. Because this is a formal announcement... We would like to beg your kind indulgence.

“We received word from Ben & Ben that they cannot make it tonight despite their commitment to the festival.

“They were held up by another commitment and we were informed about it just tonight.

“We know that you are here because you chose to support all Filipino musicians!” pagdidiin ni Maestro Ryan.

Naghiyawan at nagpalakpakan ang audience.

Pagpapatuloy ni Maestro Ryan, “And this unexpected cancellation will not diminish that spirit in any way.

“Mabuhay ang musikang atin, sariling atin!”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Nakaka-overwhelm lang ang response ng mga tao sa Pinoy Playlist na hindi naka-ankla lang sa iisang sikat na performer or banda like Ben & Ben kundi suporta sa buong industriya.

May double booking kasi ang sikat na bandang ito na dapat ay nakapag-perform at tapos na sila sa Subic ng 4:30 PM, pero 8 PM na ay hindi pa sila nakakatugtog doon kaya malabo na talaga silang umabot sa BGC Arts Center ng takda nilang oras na 11 PM.

Inaayos ang kanilang resked slot na sana ay kasama pa rin sa Pinoy Playlist dates na October 18, 19, at 20.

The gigs just get better. Sana mas marami pa tayong kababayan na tumangkilik at maki-Pinoy Playlist na!

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Ngayong Oktubre 13, Sabado, ang ikatlong gabi ng Pinoy Playlist 2018 na kung ilarawan ni Nyoy Volante ay EPIC EVENT.

Labimpitong concert na naman ang pagpipilian, humigit-kumulanh 45 minuto ang haba ng bawa’t isa.

Tatlo ang venue — Globe Auditorium, Zobel de Ayala Recital Hall (intimate), at Sun Life Ampitheater (outside, may bakod).

Kabilang sa performers tonight ng musicfest:

Rachelle Gerodias, Tim Pavino, at Gracenote (6:00-6:45 PM)
Rachelle Gerodias, Bukas Palad, at Better Days (7:00-7:45 PM)
Lou Bonnevie, Baihana, at Hilera (8:00-8:45 PM)
Abra, Debonaire District, at Stellar (9:00-9:45 PM)
Keiko Necesario, Songs by Vincent de Jesus, at Peso Movement (10:00-10:45 PM)
Eileen Sison & Guarana Band, Northdrive (11:00-11:45 PM)

Harinawa, walang mag-Ben & Ben sa kanila!!!

GORGY RULA: Kung di nila matupad iyan, posible bang umabot sa demandahan?

May pinirmahan silang kontrata di ba?

Kunsabagay, ganun talaga pag sobrang in demand ang isang artist. Umaabot sa ganung problema.

Continue reading below ↓

Sana matuloy na sila next week, dahil sila ang type ng crowd ng Pinoy Playlist at pang BGC talaga.

NOEL FERRER: This just in: October 18, Thursday, na last slot sa Auditorium ng BGC Arts Center ang magiging bagong performing time ng Ben & Ben.

Lahat naman ay nakukuha sa mabuting usapan. Kaya ayun, pasok pa rin sila sa Pinoy Playlist Music Festival na isang pioneering effort talaga!!!

Mabuhay ang Musikang Pilipino!!!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results