Daniel Padilla, pinaiyak si Kathryn Bernardo sa concert niya

JERRY OLEA: Iyak nang iyak si Kathryn Bernardo nang i-dedicate sa kanya ng nobyong si Daniel Padilla ang kantang "Just The Way You Are" (kanta ni Billy Joel) sa concert nitong D4 Daniel Padilla Back In The Araneta noong Oktubre 13, Sabado sa Araneta Coliseum, Cubao, QC.

IMAGE Courtesy of KN Peeps and KDKN Solidarity

“Hindi bumaba si DJ sa stage para lapitan o halikan si Kath na nasa front row pero bandang dulong seat kasama ang kanyang parents at sister,” kuwento ni Ogie Narvaez Rodriguez, marketing manager ng KathNails (nails salon & spa ni Kathryn).

Panay lang ang pakita kay Kath sa LED screens.

“Hindi nang-agaw ng moment si Kath,” dagdag ni Ogie.

“Masaya siyang pinanood ang nobyo. Panay picture at video niya kay DJ. Halatang-super happy at proud siya.

“Sa last song ni DJ na 'Hanggang Kailan (Umuwi Ka Na Baby)' ay dinumog si Kath ng fans.

“Walang nagawa ang mga nakabantay na security marshalls. Nagpa-picture naman si Kath at mother niyang si Tita Min sa fans.

“Para mabawasan ‘yung tao na pumupunta kay Kath, lumabas agad si DJ sa stage para sa kanyang encore number song na Yugyugan Na.

“Nakapunta si Kath sa backstage at tuloy ang ligaya ng fans na nagsayawan.”

IMAGE KN Peeps and KDKN Solidarity

GORGY RULA: Sayang nga wala doon si Karla Estrada. Sa Amerika raw ito at isang kapatid ni Daniel.

Nag-alay naman si Daniel ng kanta para sa ama niyang si Rommel Padilla.

Hindi talaga ma-deny ang lakas ni Daniel.

Hindi pa nga gaanong na-promote, sold out pa rin.

Kaya ang susunod nating abangan, kung may pelikula ba syang gagawin na hindi na kasama si Kathryn.

NOEL FERRER: Nagbangko lang siguro ang magkasintahan ng sweet at loving memories dahil halos dalawang linggo ring mawawala si Kathryn.

Palipad sila ngayon nina Sharon Cuneta at Richard Gomez papuntang Ormoc para sa shooting ng pelikula nilang Three Words To Forever.

As for Daniel, he is truly the Superstar of his generation. Congratulations!!!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN