National Artist Bienvenido Lumbera, bakit tumangging ianunsiyo ang Final 4 ng MMFF 2018?

by PEP Troika
Oct 14, 2018

JERRY OLEA: Naiintrigang “pinatay” ang pelikulang Alpha: The Right to Kill (idinirek ni Brillante Mendoza) sa Final 4 official entries ng MMFF 2018.

Meron kaya “ootlumin” matapos ihayag na pasok sa banga ng December filmfest ang horror movie na Otlum (idinirek ni Joven Tan)?

Pasado 5:00 PM na noong Oktubre 9, Martes, nang magsimula ang program kaugnay sa announcement ng Final 4 ng MMFF sa Club Filipino, Greenhills, San Juan City.

Nasa program na ang mag-a-announce ng 4 Selected Finished Film Entries ay sina Dr. Bienvenido Lumbera (Chairman ng Selection Committee) at MMDA Chairman Danilo Lim.

Continue reading below ↓
Bienvenido Lumbera
 IMAGE Rommel Gonzales

Pero hindi namin nasilayan si Sir Bien (tawag kay Dr. Bienvenido, na National Artist for Literature).

Sa halip, ang nag-announce ng Final 4 ay ang ka-Troikang Noel Ferrer ng moderator ng program.

Nanood si Sir Bien ng Pinoy Playlist 2018 concert ni Arman Ferrer noong Oktubre 12, Biyernes, 7:00-7:45 PM sa Zobel de Ayala Recital Hall, BGC Arts Center, Taguig City.

Inusisa namin si Sir Bien kung bakit hindi siya ang nag-announce ng Final 4 ng MMFF 2018.

Aniya, “I have to go to my class—it’s 5:00 o’clock.”

Oh! Mas pinili niyang magturo sa kanyang mga estudyante, kesa ihayag ang Final 4 ng December filmfest!

NOEL FERRER: Pagkatapos kong mag-report sa DZBB ng balita ukol sa official entries sa MMFF ngayong taon kaninang umaga, October 14, marami sa ating mga kaibigan sa panulat ang nagtatanong ukol sa lumabas ngang statements ni Direk Mel Chionglo ukol sa naganap sa deliberation ng Selection Committee.

Continue reading below ↓

Isang taga-Business World pa nga ang nagtanong ng aking opinyon ukol sa nangyari.

Para sa akin, hindi makakatulong ang opinyon ko ngayon.

Katulad ng mga nandoong press noong Martes, kasama niyo akong naghintay sa resulta ng pag-uusap ng Selection Committee.

Ang sagot ko sa taga-broadsheet kaninang umaga ay, “Offhand, all I can say is that I’m not part of the Selection Committee, sorry. And I’m not privy to what transpired during the deliberations.

No statement from the Execom as of now because, ideally, the Execom, as a body, does not interfere with the Selection Committee’s decision.”

Ito na muna siguro ang masasabi ko, until I get something new to communicate mula sa mga kinauukulan.

JERRY OLEA: Kasama ni Sir Bien bilang members ng MMFF 2018 Selection Committee sina Jesse Ejercito, Evylene Advincula, Roy Iglesias, Maria Anicia Naval, Mel Chionglo, James Bartolome, Lualhati Bautista, Cesar Ona Jr., Irene Jose, Lilybeth Nakpil, at Consoliza Laguardia.

Continue reading below ↓

Ang criteria sa pagpili ng official entries:

40% artistic excellence
40% commercial appeal
10% promotion of Filipino cultural and historical values
10% global appeal

Read Next
Read More Stories About
pep troika, MMFF 2018
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results