Bayang Barrios, sinabing kulang na kulang ang suporta ng gobyerno sa sining

JERRY OLEA: “Palaging biyaya sa akin ang pagtatanghal. Biyaya rin sa akin na nandiyan kayo!”

Maigting na pahayag iyan ni Bayang Barrios sa kanyang Pinoy Playlist 2018 concert kasama ang Naliyagan noong Oktubre 11, Huwebes, 10:00-10:45 PM, sa Zobel de Ayala Recital Hall, BGC Arts Center, Taguig City.

Bayang Barrios
IMAGE Jerry Olea

Kasunod niyon ang makabagbag-damdaming pag-awit niya ng "Biyaya."

Bakas sa mukha ni Bayang ang kaligayahan ng mga sandaling iyon na ipinagdiriwang ang musikang atin, sariling atin.

Hinaing ni Bayang sa opening ng 3rd ToFarm filmfest noong Setyembre 10 sa Novotel Hotel, Araneta Center, QC nang usisain namin kaugnay sa suporta ng gobyerno sa Sining, partikular sa teatro, pelikula at musika, “Hindi pa rin gaanong supportive.

“Hindi kagaya ng ibang bansa na 100 percent iyong suporta.

"Ibig sabihin, like, pag may mga elders, like... sa kultura kasi, marami diyan ang nagcha-chant.

“Dadalhin ang elders ng gobyerno para maka-share, makaturo sa ibang matuto, at may suweldo sila. Like Indonesia, pag makapunta ako, o Malaysia.

“Talagang inaano nila...”

Samantalang sa Pilipinas, kulang ang suporta ng gobyerno sa mga alagad ng Sining.

“Kulang na kulang!” bulalas ni Bayang.

“Kulang na kulang. Sana, mas tutukan. Kasi, alam mo, ang culture, ito yung parang ano natin. Base, di ba?

“The soul of the country para maging buo siya! Dapat, andoon ang suporta. Kasi, pag alam ng mga tao, mga bata, yung pinanggalingan... wala nang mapupuntahan yun kundi doon!”

NOEL FERRER: Sa backstage ng Pinoy Playlist, isa si Bayang sa nagsasabing ramdam na ramdam niya ang inflation at pagtaas ng gasolina.

Nalulungkot siya sa pagkakahati ng ating bansa at pati na ang pananaw sa politika, lalo pa’t taga-Mindanao siya.

Ayaw raw niyang mamulitika, pero lagi siyang umaasa na sana magkaisa tayo para mapaunlad ang ating bayan.

At musika ang gunagawa niyang paraan para makamit ito.

Ayan si Bayang, hindi lang best in showmanship at best in accessories sa pagpe-perform, best in pakita ng kili-kili.

Bayang is such a committed artist na kahit pang-throwback na ay lagi pa ring relevant!

GORGY RULA: Hindi naman kasi iyan pina-prioritize ng gobyerno natin ngayon.

Kaya mabuti na lang may mga kumpanyang hindi nagsasawang sumuporta sa ganung proyekto na nagpapayabong ng ating kultura.

Isa pa, aligaga pa ang lahat na nanunungkulan sa atin ngayon kung kailan sila magpa-file ng kanilang Certificate of Candidacy.

Pati nga ang National Artist natin, deadma sila.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN