Kapatid na babae ni Piolo Pascual, pinagkamalang "boyfriend" ng aktor

GORGY RULA: Ang dami nang nakisawsaw. Humaba na ang usapan at kinuyog na nang bonggang-bongga ang isang basher na nagkomento sa isang post ni Piolo Pascual sa kanyang Instagram account kahapon, October 14.

May binati kasi si Piolo na tinatawag niyang "Bubi," kung saan naka-post ang litrato nilang naka-mudpack ang buong katawan.

Kaya hindi ako sure kung girl o boy itong si Bubi. Naka-tank top kasi, kaya parang girl.

Pero merong isang follower niyang nagkomento ng: “For sure boyfriend niya yan.”

Kaagad itong sinagot ni Piolo ng: “Gago ka ba!?!!!”

Ang dami nang nag-comment na halos lahat ay natuwa at pinatulan na ito ng Kapamilya actor.

Ngayon lang yata pumatol si Piolo sa isyung nagkukuwestiyon ng kanyang pagkalalaki.

Tuwang-tuwa ang ibang fans niya, lalo na’t ngayon lang nila nabasang nag-‘gago’ ang aktor.

Mukhang napikon na ito nang husto.

Kaya may ibang followers na nagtanong kay Piolo kung pasisikatin na ba nila ang basher na ito.

Sabi na lang ng Kapamilya actor, “Hayaan n'yo na… Pakiusap lang… magpasintabi naman kayo… kasi walang alam, humanap ng puwedeng gawin na may kabuluhan… blessed Sunday sa inyo”

Sino ba itong si Bubi, Sir Noel?

Kasi ang dami ring celebrities na kagaya nina Iza Calzado at Shaina Magdayao ang bumati sa kaibigang ito ni Piolo.

NOEL FERRER: Sa mga nahihiwagaan at na-confuse kung lalaki o babae yung kasama ni Piolo, huwag na hong lagyan ng malisya dahil siya po si Pat na kapatid po ni Piolo na tinatawag nilang Bubi.

Sabi ni Iza na malapit na kaibigan ni Piolo, sanggang-dikit talaga sina Piolo at Pat.

Kaya, please, lubayan po natin sila.

Good vibes!!! Happy Monday!!!

JERRY OLEA: Matapos mag-comment si “xhmphatica” na, “For sure boyfriend niya yan” ay may nag-reply agad na magkapatid sina Piolo at Bubi.

Doon nag-reply si Piolo kay xhmphatica, “gago ka ba?!?!!!”

Sino si xymphatica?

Ngayong Lunes nang 10:05 a.m., sinilip ko ang IG account niya.

“Ms Zapoco” ang tawag niya sa sarili, at kabilang sa 498 followers niya si Fanny Serrano.

Nag-chat agad ako kay TF (palayaw ni Tita Fanny) at inusisa kung sino si Ms Zapoco aka xhmphatica.

“Hindi ko siya kilala,” sabi ni TF.

“Baka isa lang ‘yan sa mga maraming nagpa-follow sa akin sa IG na nag-return din ako ng follow-up but NEVER ako sumisilip sa mga pages nila.”

Na-curious tuloy si TF na sumilip sa IG account nito.

Pagsapit ng 10:45 AM, naka-private na ang IG account ni xhmphatica. Hindi na siya “Ms Zapoco” kundi “Nice” na.

Tanong ni TF patungkol kay xhmphatica, “Girl ba siya o beki?”

Tugon ko, “I have no idea.”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN