Yul Servo, miss na miss si Direk Maryo J. de los Reyes

JERRY OLEA: Ipagdiriwang sana ni Direk Maryo J. de los Reyes ang ika-66 na kaarawan sa Oktubre 17, Miyerkules, kung hindi siya pumanaw nitong Enero 27, 2018.

IMAGE Facebook

“Siyempre, nakaka-miss yung mga panahon na darating ito. Dahil kapag ganitong panahon ay talagang laging sine-celebrate ni Direk yung birthday niya kasama yung mga kaibigan niya,” sabi ni Yul Servo nang makatsika namin noong Oktubre 7, Linggo, sa birthday party ni Allan Diones.

Si Congressman Yul ay isa sa mga alaga ni Direk Maryo J simula noong 1998.

IMAGE Jerry Olea

Pagpapatuloy ni Yul, “Ahhh... 2018, ngayon lang siya nawala. Maraming makaka-miss sa kanya, at siyempre, ako, miss na miss ko si Direk Maryo.

“Dahil isa siya sa malaking bahagi ng buhay ko, lalo na sa pag-aartista ko.

“Kaya happy birthday, Direk, sa ‘yo diyan sa Heaven! Kayo na po ang bahala sa mga alaga niyo dito.”

NOEL FERRER: Ako, nami-miss ko si Direk Maryo dahil isa siya sa nasandalan ko noong isang taon noong may isyu sa MMFF (nang mag-resign sina Ricky Lee, Roland Tolentino, Ed Lejano, at Kara Magsanoc-Alikpala).

He was a voice of reason and calm.

In my period of discernment, I would always seek the guidance of Direk Maryo for wisdom in keeping one important thing— yun ay ang integridad.

Happy Birthday to a really good soul... Direk Maryo!!!

JERRY OLEA: Nabago ang takbo ng buhay ni Yul sa pagpanaw ni Direk Maryo J.

“Dati, pag may problema ako, kapag may kailangan akong tanungin, o sa personal kong buhay, tatawag lang ako sa kanya para manghingi ng payo,” sabi ni Yul.

“Ngayon, wala na yung gannn na nagpapayo sa akin. Isa pa, yung pumipili ng mga trabaho ko.

“Kasi, noong si Direk Maryo, hindi ako basta-basta puwedeng pumili ng trabaho.

"Siya lang yung laging nagsasabi sa akin, ‘O, ito! Tanggapin mo ‘to! Nabasa ko na ‘to. Bagay sa ‘yo. OK ‘to.’

“Kapag meron namang ano, ‘Hindi bagay sa ‘yo! Huwag nating tanggapin! Ito na lang ang tanggapin natin.’

“Nakaka-miss yung mga ganun na sitwasyon. Pero si Direk Maryo naman, gusto niya, lagi tayong masaya.”

GORGY RULA: Marami ring nabago ang buhay nang mawala na si Direk Maryo J.

Na-disband na ba ang Masculados? Namataan ko si Orlando Sol nung nakaraang Cinemalaya, at sabi niyang may indie film daw siyang gagawin. May ilan, tila nabalik sa dating gawi.

Kapag tanungin mo si Myrtle Sarrosa tungkol kay Direk Maryo, mapapaluha na naman siya dahil naudlot ang maganda sanang sexy launching movie niya. Naunahan pa siya tuloy ni Sanya Lopez.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN