Anne Curtis, tinawag na "next ABS-CBN leading men" ang mga bida ng Los Bastardos

JERRY OLEA: Magpapainit na ang telenobelang PHR Presents Los Bastardos ngayong Oktubre 15, Lunes, pagkatapos ng Kadenang Ginto sa Kapamilya Gold.

Flashback muna ang kuwento, tampok ang bastardong si Roman Cardinal (Geoff Eigenmann, pagtanda ay si Ronaldo Valdez).

Tinapos muna ni Geoff ang Contessa sa Kapuso Network bago siya sumalang sa Los Bastardos.

Aminado si Direk RSB (Ruel S. Bayani) na nahirapan silang humanap ng gaganap na young Ronaldo Valdez—mahusay, guwapo, at malakas ang sex appeal.

Ronaldo Valdez
IMAGE Noel Orsal

Sa mediacon noong Oktubre 10 sa Dolphy Theater ay umamin si Tito Ronaldo, “Dahil sa proyektong ito, e, bigla ko lang na-realize, ngayon lang after a lifetime... na oo nga pala. Bastardo.

“Bastardo ako pala. Di ba?

“Eh kasi, di ba... yung... huwag nang mga ganyan. Nagiging emosyonal tayo.

"Hindi, hindi... di ba, nasulat na ito noon, eh.

“Iyong father ko, di ba, nagkita kami at nagkakilala after 40 years. O, di ba? Ayun...”

Hindi na pinahaba ng beteranong aktor ang istoryang iyon.

Lahad naman ni Direk RSB, “Kinilig ako, kasi nag-CR ako, pagbalik ko, nagkita kami ni Anne Curtis.

"Ang sabi niya, ‘Direk, congrats! Ang ganda ng show mo! The next ABS-CBN leading men!’

“Naglalakad ako, sabi ko, ‘Oo nga, ‘no?’ So see, coming from Anne Curtis herself, these five ‘bastardos’ are going to rule and going to be the next Kapamilya leading men.

“Kaya hindi sila nandito by accident. Nandito sila para ipakita sa inyo that they’re up for the challenge, with the help of actors ang Tito Ron and the rest of the cast, how can these five actors fail?

“Dahil every single day, alam nila na ang kanilang ili-live up ay ang husay, kalibre, at kalidad ni Mr. Ronaldo Valdez?”

Ang mga bida sa Los Bastardos ay sina Jake Cuenca, Diego Loyzaga, Albie Casino, Marco Gumabao, at Joshua Colet.

Tinatawag din silang... Los Hubaderos.

Josh Colet, Marco Gumabao, Jake Cuenca, Albie Casino, & Diego Loyzaga
IMAGE Noel Orsal

NOEL FERRER: Kung hindi man nag hit sa pelikula ang pagpapa-sexy sa Wild and Free, dito kaya sa TV ay katanggap-tanggap ito?

Nakatulong ba ang pagpapa-yummy ni Jake Cuenca sa mga pictorial?

At mukhang itinodo ang pagka-camp nina Cristine Reyes, Roxanne Barcelo, pati na ni Dantita Paner sa taas ng kanilang acting.

Will this be the new Ika-6 na Utos and Daisy Siete sa panghapong grid?

Abangan!!!

GORGY RULA: Ganun ang style ng mga panghapong drama. Gisingin ang diwa ng mga inaantok sa hapon.

Sampalan, agawan ng lalaki, konting hubaran para magkainteres at tutukan ng mga manonood.

Gustong sundan ng Los Bastardos ang Pasion de Amor na nagpainit sa mga manood.

Tingnan natin kung eepek.

Saka, mukhang masuwerte naman ang soap na kasali si Jake.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN