Kuya Kim, pinalitan si Marc Logan sa radio program na Sakto

Kuya Kim, pinalitan si Marc Logan sa radio program na Sakto
by PEP Troika
Oct 15, 2018

NOEL FERRER: And so it happened. Pinalitan na nga ni Kuya Kim Atienza si Marc Logan sa maglilimang taon nang Sakto radio program sa DZMM tuwing 10-11 a.m., Monday to Friday.

 IMAGE Kim Atienza Instagram

Bulung-bulungan noon pa man iyang planong pagpapalit, ngunit nang umere kanina, sulit naman ang 14 years na ipinaghintay ni Kuya Kim bago siya napapayag mag-radyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kagagaling lang ni Kuya Kim sa Hong Kong para sa isang cycling activity which they covered for Matanglawin.

Incidentally, the show won din sa PMPC Star Awards for TV pero hindi niya personal na na-receive ito kagabi.

Kadarating niya lang at diretso na siya sa pagraradyo, another milestone sa kanyang 14-year career as a broadcaster.

It may be less reach, but more substantial and meaningful content than his It's Showtime exposure na iniwan na rin niya.

Congratulations, Kuya Kim!

JERRY OLEA: Sakto sa pagkapanalo ni Kuya Kim bilang best educational program host (para sa Matanglawin) sa 32nd PMPC Star Awards for TV ang pag-uumpisa niya sa DZMM morning program na Sakto.

Swak ang tandem nila ni Amy Perez-Castillo—masigla, masayang talakayan na may kabuluhan!

Congrats, Kuya Kim!

GORGY RULA: Matindi na rin kasi ang tapatan ng radio programs.

Ang mahigpit lang naman na naglalaban sa morning slot na prime time ng radio ay ang DZMM, DZBB, at DZRH.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa huling survey na nakuha ko, sa oras na yun ay nanguna ang programa ng Isyu ng DZRH na may .70 na rating at .34 lamang sa DZBB, at .33 sa DZMM.

Kaya kailangan talaga nila ng malakas na host na magaan lang pakinggan.

Tingnan natin kung may magagawa si Kuya Kim na ibalik ito sa number one slot.

Malaking bagay ring napapanood sa TV, pero sa ganung oras, madalas na nasa kalye na ang listeners na nakikinig sa kanilang sasakyan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results