JERRY OLEA: Tatlo agad ang shows ni Regine sa ABS-CBN.
Una, ASAP, kung saan excited siyang makasama si Sarah Geronimo at iba pang Kapamilya singers na hindi niya nakakatrabaho.
Ikalawa, weekly sitcom na musical kasama sina Ogie Alcasid at Ian Veneracion.
At ikatlo, magdya-judge siya sa Idol Philippines upang ibahagi sa mga baguhang singers ang kanyang mga karanasan at natutunan sa industriya.

Kakantahin niya ang theme song ng teleseryeng The General’s Daughter, kung saan bida si Angel Locsin. Komposisyon iyon ni Ogie Alcasid at gandang-ganda si Songbird.
Siyempre, magge-guest siya sa Gandang Gabi, Vice.
Guest pa lang si Regine sa ASAP in Sydney (Australia), kung saan may mga sorpresa sa kanya.
Bahagi rin siya ng Christmas station ID ng Kapamilya Network.
OK rin sa kanya na mag-guest sa FPJ’s Ang Probinsyano.
NOEL FERRER: Bago pa man humarap sa press si Regine, kumalat na ang release na ang unang magiging programa niya bilang Kapamilya ay ang Idol Philippines.
Isa siya sa magiging judges sa Philippine franchise na ito ng reality show na American Idol.

Welcome back sa Kapamilya fold, Songbird, na nanggaling sa Triple Treat at Teen Pan Alley noon pang '90s.
All the best on your journey!
JERRY OLEA: Kanina pa pinapatugtog ang mga awit ni Regine sa labas ng Dolphy Theater.
Bago ang mediacon, may nagba-violin ng songs ni Regine, na super-lakas ang tili ng 200 fans ni Regine.
May live coverage sa TV Patrol ang mediacon.
“Welcome to an original Kapamilya!” sabi ng moderator na si Eric John Salut.
“Kanina, after the 3:00 PM signing ni Regine, nag-pitch ang iba’t ibang Kapamilya platform ng mga project na pagpipilian niya.
“Bukas, she will fly to Sydney para sa paglabas niya sa ASAP!”
GORGY RULA: Pang-weekend din daw itong Idol Philippines?
Itatapat kaya ito sa Studio 7 na kasisimula lang nung Linggo, October 14.
Ang ganda nga ng rating nito na nakakuha ng 12.2 percent sa AGB NUTAM. 10.4 percent ang nakuha ng katapat na The Kids' Choice.
NOEL FERRER: Bakit Idol Philippines at hindi The Voice ulit?
Marahil dahil may kumplikasyon ang side ng Artist Management na sa MCA Universal napupunta ang talents dahil yun ang agreement sa foreign franchise ng The Voice, like in the case of Darren Espanto and other The Voice talents.
Now, with Idol Philippines, it’s ABS-CBN na...