First Love first-day gross: Not bad but can be better

First Love first-day gross: Not bad but can be better
by PEP Troika
Oct 18, 2018

NOEL FERRER: At 3 p.m. kahapon, October 17, nakaka-PHP1.8M ang First Love.

And so, our booker friends projected it to gross ng mga PHP6M by closing time, expecting it to pick up sa adult working crowd sa gabi.

True enough, Star Cinema released the figures, saying that the Aga Muhlach-Bea Alonzo film grossed P6,381,514.68 on its opening day.

 IMAGE Noel Orsal
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Not bad, but can be better... for Aga at Bea who have sterling box-office records sa kanilang huling pelikula na Seven Sundays at Kasal, respectively, na ayon sa records ay naka-PHP10M sa kanilang first-day grosses.

Let us see how it fares in the coming days, lalo pa’t ang Exes Baggage nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino ay patuloy pa ring pinapanood ng mga audience and has reached PHP275M as of yesterday.

At definitely, mas mura yung iprinodyus dahil walang Vancouver at sa Pilipinas lang sila nag-shoot.

Kumusta naman ang feedback niyo sa First Love, Tito Jerry at Tito Gorgy?

JERRY OLEA: PHP21.6M ang opening day gross ng CarGel movie na Exes Baggage, at bonggang-bongga ang word-of-mouth publicity nito.

Itong First Love na 30 days nag-shoot sa Vancouver, Canada, unanimous ang feedback ng mga kaibigan naming nakapanood na mabagal ito.

Base pa lang sa trailer ay hindi ito pang-masa. Salat ito sa umaatikabong sampalan o sigawan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GORGY RULA: Hindi ko pa napanood ang First Love.

Kagaya ni Sir Jerry, naimpluwensiya rin ako ng mga nagsabi sa aking nabagalan sila sa pelikula.

Ang taas pa naman ng expectations ko sa mga gawa ni Direk Paul Soriano.

Lalo na’t alam kong kapag pelikula ni Direk Paul, malakas siya sa theater owners dahil sa magandang performance ng Siargao niya.

Kaya inaashaang papalo pa ito sa weekend.

Sabi ng ilang source ng PEP Troika, kung ma-maintain ng First Love na medyo malakas at hindi pa mawala sa mga sinehan, at umabot ng pangatlong linggo, puwedeng aabutin daw ito ng mahigit PHP250M.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results