Mayor Herbert Bautista, hindi tatakbo sa anumang posisyon sa 2019

by PEP Troika
Oct 18, 2018

JERRY OLEA: “Hindi na po ako tatakbong Vice Mayor...” ang mensahe ni Teri Onor sa Facebook para sa mga kapwa Abukeño nitong Oktubre 17, Miyerkules, 6:42 PM.

Last term na ni Teri bilang bokal at hinog na siya para maging vice mayor ng Abucay, Bataan.

Continue reading below ↓
 IMAGE Teri Onor Instagram

Aniya, “Dahil sa pagmamahal at respeto ko po sa ating Gobernador Abet Garcia at sa kanyang panawagan po ng unification sa Bataan... ang inyong lingkod po ay nagpaubaya para hindi na po maglaban sina Mayor Liberato ‘Pambato’ Santiago at Robin Tagle sa pagka-Mayor sa ating bayan.

“Hindi na po ako tatakbong vice mayor, sa halip si Robin Tagle na po ang magiging vice mayor ni Mayor Santiago nang sa ganun ay wala na pong maging laban sa Abucay...”

Magtatapos ang termino ni Teri bilang bokal sa Hunyo 30, 2019.

“Magiging consultant po ako ng province at tutok din po sa Abucay,” sabi pa ni Teri nang maka-chat namin sa Messenger.

Isa sa mga nag-comment sa post ni Teri ay si Harlene Bautista, “Wow pareho kayo ni Kuya, kapatid.”

Ano ang ibig sabihin ng comment ni Harlene?

Nabasa namin na sa FB na nitong Miyerkules na last day of filing ng COC, nagtatrabaho pa rin si Mayor Herbert sa kanyang opisina.

Continue reading below ↓

May PEP news kung saan sinabi ni Hero Bautista na tatakbong congressman si Herbert, pero hindi nabanggit kung saang distrito.

Tuloy pa ba si Herbert sa pagtakbo bilang congressman? O bilang vice mayor na?

 IMAGE Noel Orsal

NOEL FERRER: Totoo ka, Tito Jerry. Hindi siguro kailangan ng posisyon para maglingkod-bayan si Mayor Herbert "Bistek" Bautista.

Continue reading below ↓

Una nang napabalitang tatakbong senador, tapos congressman, tapos may lumutang din na magiging vice mayor ng QC, pero if not for a last-minute substitution, hindi na tatakbo si HB.

Bakit kaya?

Dahil kaya walang kasiguraduhan ang labanan ng pagiging senador?

O dahil hindi umatras ang konsehal na posible niyang makatapat bilang congressman?

O baka naman, dahil na rin sa kanyang pagiging bihasa na sa government service ay puwede rin namang ma-appoint na lang siya sa ibang executive position sa ating pamahalaan?

Hanggang ngayon ay walang official word mula sa kaibigan nating mayor.

Pero siguro pahinga na muna siya sa politika.

Maging sa estado ng puso rin kaya, mamamahinga muna siya?

GORGY RULA: Halos lahat ng mga kasamahan ni Mayor Herbert sa pulitika ay nagulat sa desisyon niyang di mag-file ng COC.

Kahit ang ilang mga taong malapit sa kanya, sinabing dapat mag-file ito bilang congressman ng 3rd district ng Quezon City.

Continue reading below ↓

Hindi kaya may plano sila ni Kris Aquino?

O baka bigyan daw ito ng puwesto ni President Rodrigo Duterte.

Nabanggit kasi noon ni Mayor Herbert na gusto sana niyang maging ambassador sa kung saang bansa.

Abangan na lang natin kung ano ang statement ni Mayor Herbert kaugnay dito.

Isa nga sa kinukulit ko para hingan ng reaksiyon ay ang dating partner niyang si Tates Gana.

May kumalat pang kissing photo nila ni Mayor Herbert.

Kuha pala yun nung inasalto si Tates sa kaarawan niya, kung saan binati naman siya ni Mayor Herbert, at nakantiyawang maghalikan.

Natatawang pahayag ng aming source, “Siyempre, dapat naman na um-attend din dun si Mayor Herbert.

“Parang Pamilya Roces lang iyan, e. Dapat na um-attend siya sa dyowa number one, dapat din sa dyowa number two.

"Ewan ko lang kung ano ang plano niya kay dyowa number three.”

Si Kris Aquino pala yung tinutukoy niyang "dyowa number three." Yun na!

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results